Friday , November 15 2024

Leni Robredo: Feeding Program, Anti-Poverty Initiative dapat magkasama

INILATAG ni Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, ang kanyang magkatuwang na programa ukol sa kahirapan, bilang tugon sa report ng Social Weather Stations (SWS) ukol sa bahagyang pagtaas ng poverty level ng bansa.

Nakapagbalangkas na si Robredo ng plano para agarang tugunan ang kagutuman sa pamamagitan ng isang national feeding program na sasabayan ng pagpapalakas sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon ukol sa kahirapan.

Nang tanungin ukol sa SWS report na nagsasabing nadagdagan ng 700,000 pamilya ang nakaranas ng gutom, kompara sa nakalipas na tatlong buwan, binanggit ni Robredo ang ginagawang pagkilos sa kanyang congressional district.

“Ang programang sinimulan natin sa ating distrito ay mayroong feeding program na sinasabayan namin ng pagtulong sa maliliit na magsasaka,” wika ni Robredo.

Iniulat ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 3.5 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan, mas mataas ng 700,000 pamilya sa nakalipas na tatlong buwan.

“Sa programang ito, ang small-scale farmers ang magsu-supply dito sa ating feeding program. Hinahanap po natin iyong mga pinakamahihirap sa ating mga magsasaka at tinutulungan natin sila ng support services,” paliwanag ni Robredo.

“Sa pagkilos na ito, hinahanap natin ang mahihirap na magsasaka, binibigyan natin sila ng suporta at binibili ang kanilang ani para sa feeding program,” wika ni Robredo.

Kapag nabigyan ng pagkakataon, sinabi ni Robredo na nais niyang ipatupad sa buong bansa ang nasabing programa.

Si Robredo ay isang pro bono lawyer, na nagtrabaho para sa mahihirap na komunidad sa Naga sa panahon ng panunungkulan ng asawang si Jesse bilang mayor.

Naghain si Robredo ng House Bill No. 6062, o kilala bilang “National Food Security Act of 2015,” upang bigyan ng ngipin ang iba’t ibang program ng pamahalaan ukol sa pagkagutom at malnutrition, na hindi sapat para maresolba ang problema.

Inaatasan ang DOH na lumikha ng sistema ng pamimigay, sa tulong ng Barangay Health Workers, ng food packets na tinatarget ng panukala, kasunod ng konsultasyon sa DSWD.

Ang food packets ay susuporta sa pangangailangang pang-nutrisyon ng mga batang edad 0-1 taon habang titiyakin ng DSWD na ang mga batang may edad 2-5 anyos ay mabibigyan ng tamang nutrisyon.

Obligasyon ng pamahalaan na tiyakin na 30 porsiyento o higit pa sa kailangang supply para sa National Feeding Program ay bibilhin sa small-scale producers at maliliit na magsasaka upang sila’y magkaroon ng kita.

“Magkakaroon ng regular na kita ang maliliit na magsasaka na pantustos sa kanilang pangangailangan,” wika ni Robredo.

“Umaasa tayo na ito’y makatutulong para wakasan ang problema ng kahirapan at kagutuman sa bansa,” dagdag niya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *