SANA nga ay hindi magpa-apekto o maapektuhan ng netizens’ bashing and provoking ang friendship nina Bea Binene at Alden Richards.
Hanga kami kay Bea sa totoo lang dahil hindi nito dineadma ang mga pagpuna sa kanya ng ilang fans ni Alden calling her names and bashing her nang dahil sa pag-imbita nito sa aktor para maging bahagi ng kanyang birthday celebration.
Hindi naman nagmaramot sa oras si Alden at masaya itong naging last dance ni Bea sa kanyang 18-roses dance portion.
Sana mapakiusapan at mapagsabihan nga ni Alden ang mga supporter niya sa mga ganitong bagay.
We have seen a lot of superstars na sa sobrang pagiging seloso at maramot ng fans ay naapektuhan ang mga karir.
At the end of the day, sey nga ni Bea, “iba naman ang friendship outside of work kahit sabihin pang nang dahil sa trabaho kaya kayo naging magkaibigan.”
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus