Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakoronahang Miss World 2015, nagmula sa Nueva Vizcaya

102015 ms world 2015
KAHIT malakas ang ulan dahil sa bagyong Lando, natuloy pa rin ang coronation night ng Miss World Philippines 2015 na ginanap noong Linggo ng gabi sa The Theater sa Solaire Resort and Casino.

Nanalo bilang Miss World Philippines si  Hillarie Danielle Parungao, Candidate No. 19, mula sa Nueva Vizcaya.

Hinakot din ni Hillarie ang siyam na special awards kabilang na ang Best in Sports Challenge, Best in Fashion Runway, Best in Swimsuit, at Best in Long Gown.

Siya rin ang napili ng karamihan sa sponsors at natanggap ang mga sumusunod na awards—Miss Zen Institute, Miss Technomarine, Miss Solaire, Miss Figlia, at Miss Phoenix.

Ang runners-up naman ng Miss World Philippines 2015 ay sina Marita Cassandra Naidas (Candidate No. 14, First Princess), Mia Allyson Howell (Candidate No. 21, Second Princess), Ma. Vanessa Wright(Candidate No. 1, Third Princess), at Emma Mari Tiglao (Candidate No. 12, Fourth Princess).

Nagsilbing hosts ng pageant sina Iya Villania, Tim Yap at ang dating Miss World Philippines na si Gwendoline Ruais.

Si Hillarie ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2015 na gagawin sa China sa Disyembre. Papalitan niya si Valerie Weigmann na nanalo noong isang taon.

Ilan sa mga naging miyembro ng Board of Judges ay sina Miss World 2013 at ang bida ng Marimar na si Megan Young at ang orihinal na Fernando Jose ng Rosalinda na si Fernando Carillo.

Ipinalabas ang Miss World Philippines sa GMA 7.

 (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …