HABANG bumabangon ang South Carolina mula sa pananalasa nang malakas na buhos ang ulan at pagbaha, isang uri ng insekto ang nagpapakita nang matalinong estratehiya para mabuhay.
Ini-record ni Fox Carolina’s Adrian Acosta ang footage ng isang grupo ng fire ants na nagsama-sama upang makabuo ng life raft habang nakalutang sa baha.
Sinabi ni Acosta, sa simula ay inakala niyang isang tumpok ng putik ang kanyang nakita ngunit nang kanyang suriin ay nabatid na ito ay isang tumpok ng mga langgam.
Ang phenomenon ay common survival tactic ng fire ants na nakaranas bahain.
Sa paliwanag ng mga nagsasaliksik sa kanilang pag-aaral noong 2011 sa ‘behavior’ ng mga langgam:
Wala pang dalawang minuto ay ‘magkakahawak-kamay’ na ang mga langgam para makabuo ng floating structure na magpapanatiling ligtas sa nasabing mga insekto.
Maging ang mga langgam sa ilalim ay mananatiling buhay dahil sa kanilang munting buhok sa kanilang katawan na nagta-trap ng thin layer ng hangin.
Gayondin, nag-iingat ang mga langgam sa sabon, paliwanag ng Live Science. Ito ay dahil nakadepende sila sa surface tension ng tubig para lumutang, at ang sabon ang magpapababa sa surface tension, na magiging dahilan ng kanilang paglubog.
(THE HUFFINGTON POST)