Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nami-miss ni Ate Guy si Mamay Tunying!

100815 nora aunor pete
Aminado si Ms. Nora Aunor na mas malapit daw siya sa papay niya noong nabubuhay pa. Pero it was only when she lost her mamay that she gets to realize how dearly she missed her and how she’d like to show her mamay that she truly loves her.

It’s admittedly too late when she gets to realize her importance, along with the sad thought that she would not able to make her feel how she loves her.

It was too late when realization dawned into her that she veritably loves her.

“Iba ang magulang, ang nanay. Ang anak sa kanya nanggagaling ‘yun. Kung kailan siya nawala,” the superstar was able to realize, “saka ko naisip ang mga pagkukulang ko sa kanya.”

Kung maibabalik lang daw niya ang lahat, ipakikita niya sa kanyang mamay na mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat maipa-dama lang na mahal na mahal niya siyang tunay.

Anyway, shifting to other topics, sa stature niya bilang isang icon sa larangan ng pag-aartista, hindi raw alam ng mga kabataang artista sa ngayon na siya man ay kinakabahan din sa tuwing may eksena siyang gagawin kasama sila. Na may takot din siyang nadarama.

Alam daw niyang mahuhusay silang artista at break lang ang kulang sa kanila.

Tungkol naman sa kaso ng kanyang inoperahang lalamunan, tuloy pa rin daw ito pero ipinagpaliban muna niya dahil sa malaking halagang kakailanganin.

Tungkol naman sa pledge ni Kris Aquino sa kanyang pagpapaopera, marami raw sinabi na hindi naman tinupad. So, hayaan na lang natin.

Hayaan na lang daw natin, o! Hahahahahahahahahahaha!

Ginagawa nga pala ngayon nina Ms. Nora Aunor at Mr. Eddie Garcia ang Little Mommy.

Little Mommy stars Kris Bernal, Chlaui Malayao, Bembol Roco, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Mark

Herras, Hiro Peralta, Juancho Trivinio, and Sunshine Dizon.

REGINE AT THE THEATER

Matagal na raw itong pinaplano pero ngayon lang nag-materialize.

“Matagal ko na itong pinaplano pero never lang naming nagawa,” asseverates Regine Velasquez.

“First ‘yung venue. Kasi we wanted to find a real nice venue na theater talaga. Kasi ‘yun nga ang title, Regine at the Theater.

“Pero ang mas naging problema ko talaga, acid reflux.

“Kasi I think I had it naman before pero mas naging grabe lang siya after giving birth.

“So naging mahirap talaga, kasi talagang nagka-crack talaga ‘yung voice ko, it was hard for me to sing.”

Anyway, she’s happy that her voice is slowly going back to normal.

At any rate, first time niya itong gagawin na puro musicales. She will be doing Broadway selection with an amalgan of OPM songs.

Gaganapin ang kanyang concert series na Regine At the Theater sa November 6, 7, 20 and 21 at The Theater of Solaire Hotel.

FALSE ALARM LANG ANG LAHAT

Palagi na, pinalalabas na lang ng mga taong kasama sa soap na All of Me na matsu-tsugi ito at papalitan na si JM de Guzman. Pero sa far, hindi naman nagma-materialize. Si JM pa rin ang bida sa soap at at mananatiling bida up to the end.

Hahahahahahahahahahaha!

Next gimmick please. Kahit yata ang ba-litang si Jessy Mendiola ay off line na saka si JM ay hindi rin totoo. Hahahahahahahahahaha!

Hayan at nakikipagbalitaktakan pa si Jessy sa mga bloggers tungkol sa intimacy kay JM na hindi pa naman pala iniisplitan nito ever.

Hay, naku, next gimmick please!

TAKOT MADEVELOP!

Game naman ang lalaking ito na makipag-affair sa sosyaladang chick na ‘yun nga lang, scared to death ang chick.

Hahahahahahahahahahaha!

Kung gusto lang ng chick na ‘to ang tender, loving care, all she needs to do is tell the debonair dude and he’s more than willing to acquise. Hahahahahahahahahaha!

Bagama’t nagkatikiman na sila, ayaw nang umulit ng chick na ‘to dahil sa mega scared siya sa venom ng papable dude.

Kaya naman to see you from afar, is all my heart desires ang drama ng chick sa papable ombre.

Hahahahahahahahahahahaha!

Alam naman kasi ng chick na pagbibigyan siya ng papable dude, ‘yun nga lang, do it at your own risk ang drama ng katilam-tilam na ombre. Hahahahahahahahahahahaha!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …