Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, nagkakasakit na dahil sa sobrang trabaho

100515 alden
NA-HURT daw si Alden Richards nang dumugin siya ng fans sa isang segment sa noontime show ng Siete.

Nasa kalye si Alden kaya marami raw ang nakalapit na fans dito, talagang pinagkaguluhan ang binata, halik dito, halik doon ang kanyang inabot. Hindi raw kinaya ng security na kontrolin ang crowd kaya naman nasaktan na raw ang actor.

Aba, kung hindi kaya ng security, dapat ay magdagdag ng marshalls for Alden, ‘no.

Anyway, magdaragdag na nga raw ng security for Alden. Natuto na sila sa nangyari sa actor.

Ang isa pang chika, bumibigay na ang katawan ni Alden dahil sa everyday work, inuubo na ito at mayroong sipon kaya naman nababahala na ang fans sa kanya.

Sinisi ng fans ng actor ang GMA, ang producer at manager ng actor dahil pinababayaan nilang kayod marino si Alden.

“’Yan ang sakit ng GMA, walang patawad sa artist nila. ‘Pag may sikat talang walang pahinga. Katulad na lang sa panahon ni Angel and Marian,” comment ng isang guy.

“yes, he is striking while the iron is hot but working 7 days a week……eventually, his body will give,” said another fan.

“GMA sana bigyan nyo naman si Alden ng 1-2 days na Eat Bulaga lang ang sched for the day para maka-rest sya kahit paano. Tao sya hindi kalabaw o robot,” parang panawagan ng isan fan.

Ang manager ni Alden ang tinarayan ng isang nag-comment na, ”it’s d responsibility of alden’s manager, or any manager of any artista, to make sure that d talent will be able to rest pa rin. it’s good 2b sikat with a lot of projects, just be sure ur healthy pa rin. health is wealth.”

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …