NAKAKALOKA ang reaction sa tweet ni Vice Ganda na, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng Madlang People, Little Ponies at mga Kapamilya (dito sa Araneta at sa kani-kanilang tahanan) na tumutok sa It’s Showtime! Thank you din sa lahat ng nakisali sa Twitter Party at nagpa-trend sa * #ýShowtimeKapamilyaDay with 6.33M REAL and ORGANIC TWEETS. Patunay lamang na TOTOOng pinag-usapan sa social media ang @itsshowtimeofficial_ig at mga Kapamilya Stars na naging bahagi ng ANIMversary Kick-off ng programa. Maraming Salamat, mga Kapamilya!”
Kinuwestiyon ang kanyang REAL and ORGANIC tweet aria. May nagsabing nagpatutsada siya.
There was one who even wrote about the definition of organic.
Baka naman kasi ang ibig sabihin ni Vice nang sabihin niyang oganic ay natural, hindi hinaluan ng impluwensiya. Hindi naman siguro gagamit si Vice ng word na hindi niya alam.
Tama naman si Vice na hindi niya katapat ang AlDub. Iba ang ginagawa niya sa dalawa. Solo artist siya at marami na siyang achievements.
Wala nang dapat patunayan si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival dahil ilang beses na niyang tinalo si Vic Sotto. Siya ang may hawak ng highest-grossing film.
UNCUT – Alex Brosas