Wednesday , December 25 2024

Angel, apektado sa mga namatay na Lumad

050615 ANGEL Locsin
SOBRANG naapektuhan si Angel Locsin sa mga namatay na Lumad recently.

Nahabag si Angel sa sinapit ng ilang Lumad members na pinatay kaya naman ipinoSt niya sa kanyang Instagramaccount ang isang photo na kasama niya ang Lumad group na kuha pa noong 2009 na may ganitong caption,”Noong nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumad, sinilip ko ang mga picture namin noong nag-exposure kami sa lugar na ‘yun noong 2009. Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel.

“Nakalulungkot isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay. Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata, at nakatutuwa na 0-crime rate ang lugar nila.

“Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap. Ramdam ko kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.

“Naalala ko noong nagpunta ako roon ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga tagaroon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar. Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang “yutang-kabilin” (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military na puwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot — not to mention ‘yung grabeng psychological effects sa mga kabataan?

“Noong huling gabi namin sa ALCADEV, nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan n’yo po kami para mas maihatid po ang kuwento nila sa mas nakararami.

“Nakikiisa po ako na respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ho ako na ang isang eskuwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sanctuario — at ang presensiya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang.

#StopLumadKillings”

Concert ng Michael Learns to Rock sa Sabado na!

PARA sa mga batang 80‘s, may concert sa Smart Araneta Coliseum on September 19 ang Michael Learns To Rock.

Timing ang concert dahil nagse-celebrate ang Michael Learns to Rock ng 25 years of racking up a compelling and unbroken string of memorable, catchy, and timeless love songs like The Actor, 25 Minutes, Sleeping Child, Out of the Blue, That’s Why You Go Away, Nothing To Lose, Breaking My Heart, Take Me To Your Heart,  Someday,  Paint My Love and many more hits have been dubbed as  ‘all-time favorite ‘classics’.

Michael Learns to Rock was formed in the spring of 1988 in Denmark and to celebrate their 25th year anniversary, their biggest and most comprehensive Greatest Hits collection, simply titled 25 will hit stores and digital downloading sites soon.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *