Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Dalawang ahas sa 2 panaginip

00 PanaginipHi po gud am,

Dalawang gabi na poh ako nanaginip ng ahas nong isang tinuklaw nya poh ako pero nahawakan ko po ung bunganga nya kaya nahati ko po ung katawan nya. Tapos kgabi din poh ahas din ang pnaginip ko pero ptay na sya, pero nong nkita ko sya bigla po syang gumalw at hinahabol nya ako, ano ibig sabihin ng ahas, marami pong salamat.                                                                 (09295677136)

To 09295677136,

Kapag nanaginip ka ng ahas, ito ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, at knowledge.

Kapag nanaginip na mayroon kang pinatay, nagpapakita ito na tinatapos mo na ang old habit at ang iyong dating paraan ng pag-iisip. Maaari rin namang nagsasaad ito ng katapusan ng addiction sa isang bagay o isang gawa. Alternatively, maaari rin namang mayroon kang repressed aggression o rage sa iyong sarili o sa ibang tao. Dapat ding tandaan na ang ganitong mga klase ng panaginip ay kadalasang nagaganap sa panahon ng depresyon.

Ukol naman sa bungang-tulog mo na ikaw ay hinahabol, posibleng nagpapakita ito na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity.

Ang pagtakbo mo ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Ito ay may kaugnayan din sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo. Magkaroon ka ng tiwala sa sarili at mag-focus sa mga mithiin sa buhay.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *