Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Susan, laging nakasuporta kina Julia at Coco

090815 susan coco julia montes

MAS maagang dumating si Ms Susan Roces kaysa cast ng Doble Kara sa ginanap na press preview ng pinakabagong panghapong serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes.

‘Di man kasama sa nasabing panoorin ay naroon ito dahil magkasama sila ni Julia sa grupo ni Deo Endrinal at para na rin silang iisang pamilya.

Aniya, “Magkasama kami nina Julia at Coco (Martin) sa ‘Walang Hanggan’ at nagkasama uli kami uli sa ‘Muling Buksan Ang Puso’ and we belong to the Deo Endrinal group, we treat each other like a family, we support each other.

“Among the youngstars na nakasama ko, Julia and Coco went out of their way, siguro pareho ang mga gawi namin, same human interest.  They remind us from our generation, nakaka-relate kami sa kanila.”

And speaking of Coco Martin, inamin ng Reyna ng Pelikulang Filipino na lahat ng kanyang mga eksena sa Ang Probinsyano ay kasama si Coco. Kaya, nakaroon siya ng panahon para mabigyan ito ng mga suggestion at pointers na hindi kailangang gayahin ang mga mannerism ni FPJ. Bagkus, gawin na lang itong inspirasyon.

“Wala namang mababago, mas mapapaganda pa nga. Hindi naman siya si FPJ at ang sabi ko kay Coco, hindi niya kailangang gayahin si FPJ.

“Like when FPJ did ‘Epimaco Velasco’, hindi naman niya ginaya si Epimaco.

“Lola ako ni Coco.  My role was not in the original story, dagdag ‘yun.  Itong version ng ‘Probinsyano’ is inspired by the original.”

Ayon sa kanya, pinayuhan niya si Coco na kumuha ng mga pointer sa mga pelikula ng Hari para hindi iisang akting ang napapanood sa kanya.

“Para maiba naman ‘yung gagawin niya hindi ‘yung love story o ‘yung away-away, ‘yung ganoon.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …