1 1/2 hour SOCA ni Mayor Olivarez pinalakpakan
Rex Cayanong
August 29, 2015
Opinion
UMANI ng papuri at palakpakan ang isang oras at kalahating State of the City Address (SOCA) ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nitong nagdaang August 20 sa jampacked na Parañaque City Gymnasium.
Ikatlong SOCA na ito ng alkalde makaraang manalo noong 2013 elections. Iniulat niya ang napakaraming pagbabago sa lungsod na naging daan para marating ang kasalukuyang numero unong taguri bilang investment destination sa buong bansa.
Kasabay ng SOCA ni Mayor Olivarez ang bagong dagdag na pangalan ng lungsod na tinatawag ngayon bilang Parañaque Bay City.
Iniulat din ni Mayor Olivarez na may P3 bil-yon ang kabuuang annual budget ng lungsod na ipinangpagawa ng mga impraestruktura at ginugol sa iba pang makabuluhang proyekto para sa mamamayan.
Ipinagmamalaki rin ni Olivarez na kahit singkong duling ay walang pagkakautang kanino man ang lungsod salungat sa kondisyon nito nang ipasa sa kanya makaraan ang halalan.
Nakabaon noon sa malaking pagkakautang ang Parañaque.
Isinabay ni Olivarez ang pagpapasalamat at pagkilala niya sa mga sakripisyo at mga pagsisikap ng kanyang ‘working team’ na binubuo ng kanyang mga department heads na walang tigil sa pagganap ng kanilang tungkulin at pagbibigay ng serbisyo-publiko.
Ibinahagi ni Mayor Olivarez sa kanyang mga tagapakinig ang magandang balita patungkol sa tinatamasang kaunlaran ng siyudad at ang mass exodus ng naglalakihang investors sa pagpasok sa pintuan ng siyudad.
Binubuo ito ng mga higanteng kompanyang banyaga at lokal na lalo lamang nagpapasigla hindi lamang sa antas ng kalakaran at investment kundi maging sa employment at dami ng mamamayan na napagkakalooban ng trabaho.
Lastly, pinasalamatan ni Olivarez ang mga Parañaqueños sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa kanyang liderato.
Ipinangako pa ng alkalde ang ibayo pang pagsusumikap para sa ikabubuti ng siyu-dad at ng mga mamamayan.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. Mag email sa [email protected]