Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aldub, niyanig ang buong ‘Pinas; EB! Umabot sa 45.6% ang ratings

082015 Aldub kalyeserye
GRABE talaga ang AlDub love team nina Alden Richards and Maine Mendoza.

Kinabog ng Eat! Bulaga ang It’s Showtime in last Saturday’s episode, ang araw na dapat ikakasal na si Yaya Dub pero hindi natuloy dahil peke ang pari. Grabe ang response ng mga tao sa episode na iyon, talagang niyanig niya ang buong Pilipinas.

Imagine, naka-more than two million tweets and episode na ‘yon. Ang daming nag-post sa social media ng kanilang emosyon, tuwang-tuwa sila at hindi natuloy ang kasal. Marami ang nagbunyi at may pag-asa pa sina Alden at Yaya Dub na magkita.

At ang mas higit na nakakaloka, binalya ng Eat! Bulaga ang kalabang show when it comes to rating. Humataw sa all-time high ang rating for that day ng Eat! Bulaga na nakakuha ng 45.6% laban sa It’s Showtime na pumalo na sa pinakamababang rating na 2.3%. That’s according to AGB Nielsen.

Aba, ang 2.3 % na rating na ‘yan ay nakukuha lang ng ikatlong network, ang TV5. Ganoon na pala kababa ang rating ng noontime show ng Dos. What a pity. Hindi na sila ngayon ang naghahari sa katanghalian.

At dahil lubog na sila sa rating ay may mga pagbabago na sa It’s Showtime. One is giving  P100,000 as papremyo. Mayroon din silang segment na nagbibigay si Vice Ganda ng cash sa audience, ranging from P5,000 to P25,000. It was something na rati ay hindi naman nila ginagawa.

Inaasar nga sila sa social media dahil parang ginagaya raw nila si Willie Revillame na namimigay ng pera sa audience.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …