LATE 60’s nang sumikat ang isang Nora Aunor. Mass hysteria ang idinulot niya sa daigdig ng showbiz. Tinalbugan niya ang ibang female stars that time na Tisay, byuti, at matangkad.
Tubong Iriga, Bicol ang itinuring na Reyna ng masang si Guy na lumao’y tinatakang “Superstar.” At ngayo’y heto na ang isang dalagang laking-probinsiya pero tapos ng college sa La Salle U-St. Benilde at nag-OJT sa New Jersey, New York, USA. Parang ang dating ni Nicomaine Mendoza from Sta. Maria, Bulacan ay mala-Nora Aunor. Tinatawag siyang Yaya Dub na kalabtim ngayon ni Alden Richard sa Kalye Serye segment ng Eat Bulaga. Isinilang ang ALDUB loveteam na ang motto’y—so near yet so far.
Sa rami ng followers here and abroad ng ALDUB tandem ay sinasabing dinaraig nito ang popularity ng ibang loveteam gaya ng Daniel Padilla-Kathryn Bernardo. Kapag eere na ang segment ng ALDUB ay humihinto sa kanilang ginagawa ang mga driver, kasambahay, empleyado, at estudyante para panoorin sila.
“Noong ikakasal sana sina Yaya Dub at Frankie Arinoli (Jose Manalo) ay mistulang may laban si Manny Pacquiao. Sa TV nakatutok ang lahat. Stop din ang criminality,”report ni Mike Enriquez sa DZBB.
Ganito rin ang trending nang lumaban si Yaya Dub kay Happy Birthday Girl Patricia. Marami ang nag-bash nang si Patricia ang nanalo sa Kahit Ano Pa More.
Kailan kaya magtatagpo sina Alden at Maine? Palaga’y nami’y patatagalin pa ng Eat Bulaga ang suspense. ”Sa tamang panahon,” sabi naman ni Lola ni Dora (Wally Bayola). Eh, kailan naman kaya ‘yon?
KUROT LANG- Nene Riego