Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ASAP, tinalo raw ng Sunday noontime show ng GMA

080115 sunday pinasaya

HINDI kami makapaniwalang tinalo ng bagong Sunday noontime show ng GMA ang ASAP.

Nakakuha ng 22.7%  ang  pilot episode nito last Sunday samantalang 11.5% lang ang ASAP based on  the  overnight ratings  of AGB Nielsen among Mega Manila households.

Kaloka, ha. Parang hindi kami talaga makapaniwala.

Napanood namin ang pilot episode at hindi naman kagandahan ang show nina Ai Ai Something and Marian Something.

Sa opening pa lang ay nagkakalat na sila sa mga spiel, hindi nila alam kung sino na ang susunod na magsasalita dahil na rin siguro sa rami nila sa stage.

Halos corny naman ang comic skits nila. Sablay si Ai Ai sa kanyang comedy segment, hindi na siya nakatatawa. At ito namang si Marian ay puro tili lang ang alam.

Compared to Enrique Gil ay walang binatbat si Alden Richards sa pagsayaw. Kulang pa siya sa practice.

Nakakaawa naman sina Wally Bayola at Jose Manalo. Wala na silang pahinga, seven days a week na silang nagtatrabaho dahil six days ang Eat! Bulaga at mayroon pa silang Sunday show.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …