Babae: Honey masyado na tayong maraming pusa isako mo na nga ang iba, ILIGAW mo ha, bumalik ka kaagad marami ka pang gagawin dito sa bahay. Maliwanag!
Lalaki: Akin na nga ang sako honey, ako ang bahala sa mga ‘yan.
(At isinako na nga ang mga pusa upang iligaw. Maaga palang umalis na ang lalaki pero inabot na ng gabi ‘di pa nakauuwi ang lalaki kaya nagtataka ang asawa nang may biglang kumatok sa pintuan).
Babae: Pasok bukas ‘yan
Lalaki: Honey, pasensiya ka na…
Babae: Bakit ngayon ka lang nakauwi!
Lalaki: Buti nga NASUNDAN ko pa ang mga pusa pauwi kung hindi baka ‘di pa ako NAKAUWI…
***
Lalaki: Doc may problema ako…
Doc: O anong problema mo?
Lalaki: Kasi Doc gabi-gabi na lang lagi akong nananaginip ng basketball.
Doc: Ano ba ang gusto mong mangyari?
Lalaki: Gusto ko sana matigil na ang panaginip na ito, Doc.
Doc: Sige ito ang gamot mo, inumin mo kaagad para okey na pagtulog mo.
Lalaki: Ah! Puwede bukas na lang Doc?
Doc: Bakit?
Lalaki:CHAMPIONSHIP kasi namin mamaya!