Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, ‘di tumutulong kung walang publicity na makukuha?

070915 aiai jiro
MADALAS na tumulong si  Ai Ai Something lalo na sa charities.

Pero lately ay kaliwa’t kanang batikos ang inaabot niya dahil panay ang post niya sa social media about her pagtulong kay Jiro Manio. Halos araw-araw na lang ay mayroon siyang ipino-post sa kanyang Instagram account, talagang ibinabalandra niya sa mga netizen na ginagastusan niya ang binata.

Ang say recent ng LAOS NA KOMEDYANTE, alam na niya kung sino ang  ama ni Jiro at pupuntahan nila ito sa Japan.

Months ago ay nadesgrasya ang isang matalik na kaibigan ni Ai Ai na writer sa showbiz. Magkabarkada sila noong kolehiyo, sa lahat halos ng lakaran at gimik ay magkasama sila.

Nang malaman ng laos na komedyante, ang nangyari sa  writer-friend niya through their common friend ay nagpasabi si Ai Ai na tutulungan niya ito sa gastusin sa ospital.

Tumulong ba? Hindi, ‘no! Nakalabas na  nga ang writer, ni singkong duling ay walang naiabot na tulong si Ai Ai. Ganyan ba ang naturingang friend and barkada?

Kaya minsan ay parang naniniwala na kami sa bashers ni Ai Ai who were saying na kaya panay ang post niya sa kanyang Instagram account ng photos ni Jiro ay para magkaroon siya ng libreng publicity.

Imagine, nakuhang deadmahin ni Ai Ai ang kabarkada niya during college? Noong walang-wala pa sila, magkasama sila sa lahat ng oras, sa hirap at ginhawa.

Naku, Ai Ai, laos ka na nga ay nakuha mo pang isnabin ang kabarkada mong naging mabait naman sa iyo.

Kung sabagay, ano nga ba namang publicity ang makukuha ni Ai Ai sa kanyang pagtulong sa writer-friend niya? Siyempre, wala dahil hindi naman masusulat ‘yon at wala siyang  mahihitang publicity.

If you want us to name the writer, we would gladly do so, magsabi ka lang, Ai Ai!!!

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …