Friday , May 17 2024

Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang isang binatilyong papunta sa simbahan makaraan ma-hit and run ng isang owner type jeep sa Brgy. Sta. Cruz, Naga City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Alfred Pimentel, 17-anyos.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang humarurot ang owner type jeep at siya ay nahagip.

Bunsod nito, nagpagulong-gulong ang biktima ngunit imbes tulungan ay tinakbuhan lamang siya ng driver ng jeep.

Napag-alaman, sa pagtakas ng suspek ay nabangga niya ang isang tricycle service na lulan ang limang miyembro ng mag-anak.

Sugatan sa insidente ang mga biktimang sina Carlito Moral, 47; Michelle Moral, 41; Christine Moral, 15; Cyrus Moral, 12; at Carl Daniel Moral.

Agad nadala sa ospital ang mga biktima habang tuluyang nakatakas ang hindi pa nakilalang suspek.

Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek para mapanagot sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *