Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binatilyong dyumingel tinarakan

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyo makaraan tarakan ng hindi nakilalang suspek habang ang biktima ay umiihi sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng isang saksak sa likod ang biktimang si JC Val Enriquez, 19, purified water delivery boy, at residente ng Sto. Niño, Brgy.Concepcion ng nasabing lungsod.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, dakong 2 a.m. nang maganap ang insidente sa Samson St., Brgy. Baritan ng lungsod.

Nakikipaglamay ang biktima sa kaanak ng kanyang  kaibigan sa nasabing lugar nang sumpungin nang panunubig kaya nagtungo madilim na eskinita.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …