Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine at Marjorie, okey na!

 

072215 Claudine Marjorie Barretto

GOOD to know na bati na ang sisters na sina Marjorieand Claudine Barretto.

Nagyari ang pagbabati ng dalawa sa 36th birthday ni Claudine. Hindi lang si Marjorie ang present sa party kundi maging ang mga anak niya, ang parents nilang sina Inday at Miguel Barretto pati mga pamangkin nila.

Sa sandamakmak na photo na aming nakita ay nasilayan muli ang mga ngiti sa magkapatid, maging sa kanilang mga magulang. Ang ganda-ganda nilang tingnan dahil maayos na ang lahat, wala na ang alitan, ang palitan ng masasakit na salita, ang batuhan ng mga baho.

“They say time heals all wounds… But for the deeper and more painful wounds, I know only God in all his mighty power can heal my heart and Claudine’s. I realized last night, that God is greater and bigger than all the pride and unforgiveness we both had for each other. Happy Happy Birthday Claudine! May this year be all about doors of opportunities opening up for you, lots of work, love and laughter.”

Iyan ang mensahe ni Marjorie sa kanyang caption saInstagram photo nila ni Claudine.

Tunay nga na nagiging isang malaking factor ang oras para magkaayos ang mga taong nagkaalitan. Ito ang napatunayan nina Marjorie at Claudine.

Magandang start ito para sa magkapatid, lalo na kay Claudine na nagbabalik-showbiz.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …