Thursday , September 4 2025

9-anyos nilaspag rape suspect itinumba

PATAY ang isang lalaking hinihinalang gumahasa sa isang 9-anyos batang babae, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo sa Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula sa Baliwag Police, kinilala ang biktimang si Reynaldo Buenaventura, 53, may-asawa, at residente ng Zone 1, Brgy. San Roque, sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, naganap ang pagpaslang sa biktima sa bahagi ng Tiongson St., Brgy. Tiaong, Baliwag nang sundan siya ng mga suspek habang naglalakad.

Agad binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinisilip ng pulisya ang anggulo na may kinalaman sa kasong rape na kinakaharap ng suspek hinggil sa panggagahasa sa isang 9-anyos batang babae, ang motibo ng pagpaslang.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng …

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

DOT launches Philippine Golf Experience to boost PH tourism promotion

Clark, Pampanga—Positioning the Philippines as a premier golfing destination, the Department of Tourism (DOT) officially …

sub-standard solar lights panels nasamsam Bulacan

P.3-M sub-standard solar lights at panels nasamsam sa Bulacan

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga sub-standard na solar light at panel na tinatayang nagkakahalaga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *