Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claire, Imelda at Eva Jukebox Queens na kupas ang career (Repeat concert sa Resorts World Manila aa Agosto 31)

 

NASA GenSan man kami noong mga panahong glorious days ng jukebox queens na sina Claire dela Fuente, Imelda Papin at Eva Eugenio ay masasabi naming part pa rin kami ng kasikatan ng tatlong magkukumare sa totoong buhay.

Si Claire ay madalas namin mapanood ang guesting sa mga top-ratings TV show noon tulad ng “Superstar” ni Nora Aunor at “Seeing Stars With Joe Quirino” ng namayapang JQ.

Hanggang-hanga kami sa katanyagan ni Claire na hanggang ngayon ay buhay pa rin ang career at in demand pa rin ang mga album sa mga record bar sa buong bansa.

‘Yan ang kabibiliban sa Viva Recording artist-talent manager businesswoman na nagmamay-ari ng

ilang matatagumpay na branch ng Claire Dela Fuente Grill and Seafood located sa Seaside Market sa Macapagal Avenue.

Kahit hindi i-reinvent ang sarili ay kayang-kayang makipagsabayan sa mga sikat at uso nating local artists. Nakamit na rin niya ang malaking

achievement sa kanyang singing career nang makatrabaho ang mga Hollywood Icon na sina Richard Carpenter at Michael Bolton at kanya rin

naka-duet si David Soul sa nag-hit na album sa Viva Records. Si Imelda Papin, aside sa kanyang mga show here and abroad at pagseserbisyo publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng dialysis ay nagpaplano uling kumandidato sa 4th district ng Camarines Sur na ang makakalaban ay ang maimpluwensiyang Fuentebella clan na nakalaban raw ni Aga Muhlach noon.

Naging vice governor for two terms noon si Imelda sa tatakbuhan niyang Camarines Sur. Ang isa pang sumikat sa mga awiting jukebox during 80s na si Eva ay hindi rin daw nawawalan ng series of show sa iba’t ibang bansa.

Ngayon may pagkakataong muling magsama sa isang malaking concert ang tatlo na napanood last August sa Midas Hotel, na talagang jampacked ang naging show.

Sa darating na August 31 ay muli ninyong mapapanood ang nabanggit na Jukebox Queens sa kanilang “The Legendary Jukebox Queens in Concert” at ito ay magaganap sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Special guest ng tatlo ang guwaping na balladeer na alaga ni Ms. Claire na si Lenard Santos na overwhelmed at nakasama ang mga icon ng local music industry.

Actually madalas gawing guest ni Claire sa

kanyang mga show si Lenard. Kaaliw nga ‘yung nangyari sa presscon ng nasabing concert na ginanap sa mismong resto ni Claire. Sobrang naaliw talaga sa kanila ni Eva at Imelda ang mga inimbitahang movie press.

Paano anything under the sun ang topic at lahat ay prangkang sinagot ng tatlo tulad ng kung may nakikita ba silang papalit sa kanilang mga trono? Paano pa sila makakabog ‘e, during their time bago ka magkaroon ng gold record ay kailangan bumenta muna ng 150,000 copies ang plaka o casette album.

Ang pamosong si Butch Milaflor pala ang magsisilbing musical director ng The Legendary Jukebox Queens in Concert, na produced ng SG o Supernova Girls Production Inc.

Ang V-Care at E-Action Vitamin naman ang ilan sa sponsors at mabibili ang ticket sa SM Tickets sa 470-2222 at TicketWorld sa numero 891-9999.

Hala sige, watch na tayo gyud!

VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …