Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, binoykot ng mga kapwa-Kapuso; Maria Ozawa, ‘di na fresh

 

TILA pinagkaisahang iboykot si Jennylyn Mercado ng kapwa niya Kapuso stars sa FHM Victory Party.

Before the party, may umingay na chikang hindi aapir ang ilang Kapuso stars dahil against sila kay Jennylyn na nagwagi bilang Sexiest Pinay.

Parang true ang chismis dahil ang Kapuso stars na nasa Top 10 Sexiest pa like Andrea Torres na nasa number 2, Sam Pinto who placed fourth, Solenn Heussaff na nasa ikalimang puwesto, at Max Collins who landed on number 9 spot ay wala sa Victory Party. Pero deadma lang si Jennylyn. Ang feeling niya, may ibang ginagawa ang mga ito kaya hindi nakadalo.

Ganoon? Ang sabihin mo, talagang inisnab nila ang FHM Victory Party. Baka na-realize nila na wala namang kuwenta ang umapir diyan dahil pagpapantasyahan lang sila ng mga maniac. Baka ang feeling lang nila ay nagagamit lang sila ng men’s magazine na ‘yan.

Anyway, si Jennylyn naman talaga ang lumabas na pinakaseksi sa mga nagrampahan sa party. Kinabog niya ang lahat.

Actually, sa mga nakita naming photos ng mga starlet, has-beens, at hindi-nalaos-dahil-hindi-sumikat, halatang exploited ang mga hitad.

Maraming trying very hard magpapansin pero mas marami ang umeksena talaga kahit na they look ridiculous.

Si Maria Ozawa ay halatang hindi na fresh, may edad na at hindi na rin sexy. Parang lobong binomba ang kanyang boobs. Medyo masyubis na siya kaya nakita ang kanyang katandaan.

Si Alice Dixson ay singkintab ng make-up ang kanyang outfit. Matronang-matrona na ang kanyang hitsura, ewan kung bakit pa siya nakigulo sa party at rumampa. Sobrang puti ng kanyang fez na akala mo ay nalublob sa espasol.

Phoemela Baranda looks like a gay matron. Hindi bagay ang kanyang yellow swimsuit, nagmukha siyang suman. Morena kasi siya kaya a study of contrast ang nangyari.

Si Sunshine Garcia ay parang performer sa perya ang outfit na hindi mo malaman kung saang circus act nanggaling. Parang halo-halo ang kanyang drama, tagpi-tagpi kumbaga pero pangit as a whole ang naging resulta.

Si Daiana Menezes ay parang manikang hubad. Talagang trying hard ang hitad na magnakaw ang atensiyon. Ang bikini kasi niya ay adorned by a flower sa “centerpiece” kaya siguro marami ang naloka sa kanyang drama.

Isa pang ayaw patalbog ang puwede-pa-ako beauty na si Aubrey Miles. Mabuti na lang at nag-post siya ng message na last na niya iyong rampa sa FHM.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …