Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawalan ng oras, naging problema nina Sarah at Matteo

 

ORAS ang kulang ngayon sa magkarelasyong Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Halos ganito nga ang nabanggit sa amin ng guwapong hunk actor-singer na super busy sa kanyang mga show here and abroad.

Nang makahuntahan namin kamakailan sa DZMM teleradyo area, inamin nga nitong hindi sila nagkikita ng madalas ni Sarah though lagi naman daw silang updated sa isa’t isa. Kadarating lang din ni Matteo from Australia dahil nagkaroon siya ng show doon.

May upcoming concert pa siya kasama sina JC De Vera at Daniel Matsunaga, habang in high heavens pa si Sarah dahil sa tagumpay ng The Breakup Playlist movie niya with papa Piolo Pascual.

Nakatakdang mag-ikot sa maraming bansa sina Sarah at papa P dahil sa mga international movie screenings nito kaya’t kahit matapos na ang concert ni Matteo ay hindi pa rin daw sila magkakasama.

“But everything is fine with us. Walang reason para patulan ang mga intriga,” sagot nito sa amin nang ikuwento namin dito ang masaya at pinag-usapang mga sagot ng GF sa Gandang Gabi Vice show last Sunday.

“Oo nga, masaya nga,” hirit pa nito sa nasabing Sarah G moment sa naturang show ni Vice.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …