Monday , March 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay vs Erap sa 2016 presidential race

 EDITORIAL logo

HINDI iilang indikasyon ang nagtuturo na malamang na tumakbo si Manila Mayor  Joseph “Erap” Estrada bilang presidente sa darating na 2016 elections. Ang pagkalas ni Erap sa kampo ni Binay ay inaasahan na lalo pa’t mabilis ang mga kaganapan sa politika.

Ang paglulunsad kamakailan ng United National Alliance (UNA) bilang political party at ang hindi pagdalo ni Erap rito ay hudyat na malapit nang kumalas nang pormal ang dating pangulo sa kampo ni Binay.

Kung tutuusin,  matagal nang may tensiyon na namamagitan sa dalawa pero napipigilan itong ‘sumabog’ sa banta na maaari itong samantalahin ng ibang political party na kalaban ng UNA.

Nag-umpisang magkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa nang magparamdam si Binay na hindi na siya interesadong kunin si Sen. Jinggoy Estrada bilang kanyang running mate dahil nakakulong na sa kasong kaugnay sa PDAF. 

Nasundan pa ito nang hindi payagan ni  Binay ang planong development ni Erap ng Central Market.  Ang Central Market ay nasa ilalim ng HUDCC na dating pinamumunuan ni Binay.

Ang pinakahuli ang pag-angkin ni Binay ng UNA.  Kung tutuusin, ang UNA ay binubuo ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) na pinamumunuan ni Erap at PDP-Laban na pinamumunuan naman ni Aquilino “Nene” Pimentel. 

Kung susumahin, wala talagang tao si Binay sa UNA at maituturing na saling-pusa lang sa  grupo nina Erap at Nene.

Kaya nga, kung mawawala si Erap sa eksena ng mayoralty race, si dating Manila Mayor Alfredo Lim ang maituturing na unbeatable candidate sa 2016 elections sa Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGADni Almar Danguilan ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …