Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Maraming pagkain

Fruits and vegetables arranged in word 'food'

00 PanaginipMagandang araw Señor,

Nanaginip po ako nga marami nabili ng mga kasamahan ko sa bahay nga mga pagkain sa palengke… at giluto ng mga kasama ko nga puno ng saya. Ano po ibig sabihin LYDS. A. (09225207336)

 

To LYDS. A.,

Ang panaginip hinggil sa pagkain ay nagsa-suggest ng physical and spiritual sustenance at vitality. Ang iba-ibang klaseng pagkain ay nagre-represent ng iba’t ibang kahulugan. Ang prutas ay kadalasang hinggil sa sensuality. Ang frozen foods ay maaaring may kaugnayan sa iyong indifference o cold demeanor. Maaari rin naman na ang mga napanaginipang pagkain ay mga gustong kainin o kinakatakamang pagkain. Kung nagtatago naman ng pagkain sa panaginip, ito ay maaaring may kaugnayan sa agam-agam dahil sa kakulangan ng pagkain o ng mahahalagang bagay sa buhay mo. Maaaring kakulangan din ito ng pananampalataya. Kapag nanaginip ka na nagluluto ng isda, ibig sabihin ay sinasama mo ang bagong katuparan ng inaasam sa iyong spiritwal na damdamin at kaalaman. Naghahangad ka ng katuparan ng mga mithiin o pangarap, subalit dapat na magsikap mabuti at dagdagdan ang tiwala sa sariling abilidad o kakayahan. Kailangan din na huwag maging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon, lalo na iyong napaka-importanteng mga bagay.

Ang nakita sa bungang-tulog mo na masaya kayo ng mga kasama mo ay maaaring compensatory dream at kadalasan ay kabaligtaran ang kahulugan nito. Maaaring ito ay pagnanasang ma-compensate ang kalungkutan o stress sa iyong waking life.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …