Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Tubig, ngipin at tsinelas (2)  

00 PanaginipAng panaginip mo ay maaari rin namang babala na may kinalaman sa negosyo o pagkakaparehan at hinggil din sa iyong kalusugan. Maaaring napapabayaan mo ang mga bagay na ito at kailangan ang lubos na pagbibigay mo ng iyong oras o pagtutok dito. Kung nababahala ka naman dahil may mga nagsasabi na ang ganitong panaginip ay ukol sa kamatayan, ang mga matatanda ay may itinuturing na pangontra sa ganitong bungang-tulog. Pagkagising na pagkagising daw matapos managinip na natanggal ang ngipin mo, dapat ay magdasal at maghanap ka ng anumang punongkahoy, at sa maaabot na sanga nito na maaari mong kagatin, kagatin mo ito nang marahan (na hindi makakasira sa ngipin mo o makakasakit sa iyo). Walang scientific basis siyempre ito, subalit kung para naman sa ikapapanatag ng kalooban mo, wala namang mawawala sa iyo kung gusto mo itong gawin o subukan.

Ang tsinelas naman sa panaginip ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng pagiging sluggish and/or insecure. Pakiramdam mo ay wala kang strong foothold sa ilang sitwasyon ng iyong buhay. Alternatively, ito ay nagre-represent din ng domesticity, ease, comfort, and/or relaxation. Maaaring nagpapahiwatig din ito na dapat kang mag-relax o kaya naman, ikaw ay nasosobrahan na sa pagre-relax sa puntong nagiging tamad ka na. Maaari rin namang nagpapahiwatig ang panaginip mo na may mga pagkakataon na nawawala ka sa tamang direksiyon na gustong tahakin, ngunit sa bandang huli ay nakikita mo rin ang tamang gawin sa bawat pagsubok at aral na nararanasan mo sa iyong bawat paglalakbay sa buhay.

Ang panaginip mo na hubo’t hubad ka ay nagpapakita ng iyong vulnerability o pagiging marupok sa ilang pagkakataon o sitwasyon. May kaugnayan din ito sa iyong pangamba o takot na malaman ng iba o ma-expose ka sa mga ilang bagay na iyong ginagawa. Pakiwari mo ay hinahatulan ka ng iba ng hindi makatarungan. Maaaring may kaugnayan din ang panaginip mo sa pagtanggap sa katotohan o sa kabilang banda, ng takot sa rejection mula sa iba.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …