Nanagnip ako na papunta ako sa dagat tapos ay nanghuli ako ng isda, yun po yung pangnip ko, ano mean. kya nito Señor? Dnt post my cp, I’m Joanna.. tnx!
To Joanna,
Ang dagat na napanaginipan ay may kaugnayan sa iyong unconscious at sa iyong transition sa pagitan ng unconscious at ng conscious na kamalayan. Ito rin ay may kaugnayan din sa iyong emosyon. Posible rin naman na ito ay isang pahiwatig ukol sa mga bagay na dapat mong maintindihan at makita nang mas maayos at malinaw. Maaari rin naman na ito ay pahiwatig sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay nagbibigay din ng hope, new perspective at positive outlook sa buhay gaano man kahirap ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap. Ang panaginip mo rin ay may kaugnayan sa pagtahak mo sa hinahangad na mithiin at ang pag-usad mo sa pang-araw-araw na ginagawa.
Kapag nanaginip na nanghuhuli ng isda, ito’y posibleng may kaugnayan sa paglabas ng isa o ilang bagay na nasa ilalim dati o ng mga bagay na inililihim. Kung nanaginip naman na kumakain ng isda, ito’y simbolo ng iyong beliefs, spirituality, luck, energy at nourishment. Ito ay sagisag ng pagkain para sa kaluluwa. Kapag nanaginip ka naman na niluluto mo ang isda, ibig sabihin ay isinasama mo ang bagong katuparan na inaasam para sa iyong ispiritwal na damdamin at kaalaman. Naghahangad ka ng katuparan ng mga mithiin o pangarap, subalit dapat na magsikap mabuti at dagdagdan ang tiwala sa sariling abilidad o kakayahan. Kailangan din na huwag maging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon, lalo na iyong napaka-importanteng mga bagay.
Señor H.