Bi-Intel agent naka-tongpats sa notorious korean gangster!?
hataw tabloid
February 13, 2015
Bulabugin
Matapos natin i-expose ang katarantaduhan sa ating bansa ng isang notorious na Koreanong si PATRICK JUNG aka SHI-BAL, may natanggap tayong balita na nagyayabang pa raw ang nasabing Koreano at kailanman ay hindi raw siya kayang takutin sa pamamagitan ng diyaryo at maging ng immigration.
Ipinagmamalaki raw ng ungas at mabantot na Koreano na wala raw siyang Immigration violation kaya wala raw basis para siya ay arestohin.
Talaga lang ha!?
Para kay Koreanong Patrick topak, hindi pala immigration violation ang maging coddler ka ng PUGANTE gaya ni LEE SANG TE.
E paano naman ‘yung kaso na inabuso niya at sinaktan noon na babae sa isang club diyan sa Roxas Blvd? Pasok na pasok sa pagiging undesirable alien si Patrick Jung aka topak, ‘di ba!?
SOJ Leila de Lima, ‘yang mga ganyang klase ng foreigner sa ating bansa ay patuloy na mang-aabuso kung hindi bibigyan ng leksyon!
E sino naman ba ang ipinagmamalaking konek at tongpats nitong si Patrick Jung diyan sa immigration???
Paglabas daw ng ating unang expose kay Patrick ‘shi-bal’ Jung, dali-dali raw na nag-report ang kanyang ka-tongpats na isang Intel agent sa bureau para sabihin na nabanatan siya sa pahayagan na ito.
Ganyan ka-close ang dalawang pakners-in-crime na ‘yan!
Well, Immigration Commissioner Fred Misua ‘este Mison, I will challenge your intelligence if you can find out who among your men assigned at the BI Intelligence unit is Patrick Jung’s coddler/protector?
At kung wala ‘este mahina talaga ang Intel mo, tawagan o i-text mo lang ako at sasabihin ko sa iyo kung sino ang hinayupak na ‘yan!