Saturday , November 23 2024

“Politikang Aso”, umarangkada na!

00 Kalampag percyISANG taon bago ang 2016 elections ay asahan na natin ang “pagpaparamdam” ng mga nagnanasang makapuwesto sa gobyerno.

Gaya na lamang ng “puganteng” si dating police colonel Cesar Mancao, na nais daw sumurender dahil nakonsensiya sa mga aral ni Pope Francis na bumisita kamakailan sa bansa.

Ayaw rin daw niyang matulad kay Marwan na ilang taon na nagtago sa batas at napatay ng otoridad.

At gusto raw kasi ni Mancao na humingi ng tawad sa mga dati niyang amo na sina dating Sen. Panfilo Lacson at ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada dahil isinangkot niya bilang mastermind sa Dacer-Corbito double murder case.

Kesyo ginipit siya ng Arroyo administration kaya niya ikinanta ang partisipasyon nina Erap at Lacson.

Pero sa kabila ng mga nasabing pasakalye, pag-aaralan pa raw niya ang “assurances” na iaalok sa kanya ng DOJ at NBI kapag siya’y “sumuko.”

Nakalimutan ba ni Mancao na pagkatapos niyang umeskapo sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), nakapanayam pa siya sa telepono ng Radio DZMM at muli niyang itinuro si “BIGOTE” na siyang nasa likod ng pagpatay kay Dacer at driver na si Corbito.

Malinaw, na kung “susuko” man si Mancao, ito’y hindi para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nina PR man Salvador “Bubby” Dacer at Emmanuel Corbito.

Lulutang kaya si Mancao para “sumispsip” ulit kina Erap at Lacson at makapag-ingay para maisulong ang kanyang muling pagtakbo bilang kongresista ng Compostela Valley?

Hindi lang hustisya sa bansa ang “pinaglalaruan” ni Mancao kundi maging ang sa Amerika.

Ang pagpaparamdam na naman ni Mancao ay maaaring sa pagnanais na maisalba ang ex-BFF na si dating police colonel Michael Ray Aquino na convicted sa Amerika sa aspetong sibil ng Dacer-Corbito double murder case at pinagbabayad ng $4.2 milyong danyos sa mga anak ni Dacer.

Sina Aquino, Erap at Lacson, ay sinampahan ng P$60-M damage suit sa Amerika ng mga anak ni Dacer, alinsunod sa US Alien Tort Claims Act at Torture Victim Protection Act (TVPA) at ginamin na ebidensiya ang testimonya ni Mancao na nagturo sa kanila bilang mga pangunahing sangkot sa krimen.

Si Aquino lang ang tumanggap at sumagot sa summons ng US North California District Court kaya siya lang ang nilitis, pero sina Erap at Lacson, binalewala ang utos ng korte.

Akala ba ni Mancao ay “malilinis” na niya ang imaheng “kriminal” nina Erap at Lacson kay Uncle Sam kapag siya’y bumaligtad?

Paano naman ang espionage case kung saan convicted sina Aquino at dating FBI analyst Leandro Aragoncillo, na nagsabing sina Lacson at Erap ay kabilang sa mga nakinabang sa mga ninakaw niyang dokumento sa FBI?

‘Yan ang klase ng politika na itinulad sa ugali ng aso, ang isinuka ay muling kinakain!

Tungkulin ni Jinggoy bilang isang preso

DUMIDIGA sa Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa pagdinig ng Senado sa Mamasapano masaker para daw gampanan ang kanyang tungkulin bilang senador.

Ang tanong: Sino naman ang gaganap sa pepel ni Jinggoy bilang preso kung pagbibigyan ng Korte ang kanyang bulok na diskarte, aber?

Ayon sa batas, ang mga bilanggong tulad ni Jinggoy ay walang karapatan sa iba pang tungkulin o pananagutan kundi ang manatili sa loob ng selda habang nililitis sa kasong pandarambong na walang piyansa.

Kung pagbibigyan ng korte ang mga presong tulad ni Jinggoy, magiging malungkot at kawawa naman ang selda kung walang gaganap ng kanilang pananangutan bilang preso.

Sabi nga sa kanta, “a house is not a home, a home is not a house,” kung wala si Jinggoy sa selda. 

Dahil nga may kaso siya, makatarungan lang na pati ang kanyang tungkulin bilang senador ay nakakulong din.

Saludo sa tropang “Katapat”

“Ka Percy, ako si Mang Henry, retired employee ng Supreme Court (25) years at Court of Appeals (16) years. Ipinaaabot ko lang ang pagbati ko. Excellent kung magpaliwanag ka, lalo na sa cases ni Erap, Bong Revilla at Jinggoy. Mabuhay ka at ang mga kasamahan mo! Kayo na lang ang natitirang tunay at totoo na journalists na makakatulong sa Pilipino. Naalala ko si Ka Damian Sotto. Good luck!” <09276925…>

Maraming salamat po sa mensahe at pagtitiwala ni Mang Henry at ng masusugid na taga-pakinig ng malaganap na programang “KATAPAT” na paboritong pakinggan ng marami gabi-gabi sa Radio Station DWBL (1242 Khz), 10:30 pm to 11:30 pm, Lunes hanggang Biyernes, at sabayang mapapanood sa buong mundo via www.ustream.tv/channel/boses

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *