Saturday , November 23 2024

Away-away ng mga gabinete ni PNoy

00 pulis joeyKUWENTO sa akin ng kaibigan kong reporter sa Malakanyang, nag-iisnaban na raw ngayon ang mga miyembro ng gabinete ni PNoy.

Nabasa ko rin ito sa isang news article sa Manila Standard Today. Pinasisibak nga raw ni DILG Sec. Mar Roxas kay PNoy sina Executive Sec. Paquito Ochoa at suspended PNP Chief Allan Purisima.

Ito’y dahil sa pagkasawi ng 44 at pagkasu-gat ng 14 PNP-SAF sa isang napakapanganib na operasyon laban sa 2 international terrorist na nagtatago sa teritoryo ng MILF, BIFF, Abu Sayyaf at private armed groups sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sabi raw ni Roxas kay PNoy: “If you don’t fire Purisima, babagsak ka.”

Dapat din aniyang sibakin si Ochoa dahil sa pagpondo niya sa operasyon sa Mamasapano.

Si Ochoa kasi ang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

At ang nasabing operasyon ay hindi man lang ipinaalam kay Roxas at OIC PNP Chief Leo-nardo Espina.

Under ng tanggapan ni Roxas ang PNP.

Gayonpaman, pinasinungalingan kahapon ni Roxas na  pumasok siya sa miting nina PNoy at Finance Secretary Cesar Purisima sa Malakanyang para sabihin kay PNoy na sibakin sina Purisima at Ochoa.

Wala raw katotohanan ang lumabas na artikulo sa Manila Standard Today.

Pero ayon sa aking source sa Malakanyang, talagang hindi na nagpapansinan sina Ochoa at Roxas.

Kung totoo ito, bakit hindi na lang si Roxas ang magbitiw sa gabinete ni PNoy? Baka makuha pa niya ang simpatya ng mamamayan.

Take note: 15 months na lang si PNoy sa power. Sabi nga ng mga political analyst, isa nang “lame duck” President si Noynoy ngayon. At sa nangyaring ito sa Mamasapano, tiyak babagsak pa ang kanyang trust ratings.

Para sa akin, ito na uli ang timing para kay Roxas para tumaas naman ang  kanyang ra-tings. Magbitiw na siya sa gabinete ni PNoy. Tulad ng ginawa niya noon kay ex-President Gloria M. Arroyo. Bigla niyang tinalikuran ang ale nang pabagsak ito. Remember?

Kongresista noon si Roxas. Kabilang siya sa tinaguriang “Spice Boys.” Itinalaga siya ni GMA bilang DTI Secretary, nakilala siyang “Mr. Palengke.” Pero nang sumama ang image ni GMA, nagbitiw siya sa gabinete at tumakbong senador. Bingo!

Sabi nga, sa politika, tayming tayming lang… And now, timing mo uli, Mr. Mar Roxas. Go!

Pakinggan pa natin ang damdamin ng mamamayan sa #fallen 44 SAF.

– Gud am, Joey. Sa totoo lang, lahat tayo nasaktan sa mga magigiting natin #fallen 44 SAF. Mahirap tanggapin, totoo ‘yun. At alam nating lahat na may pananagutan ang Pangulo sa mga pangyayari. Pero sakin, ang stand ko, hindi dahilan yun para pababain sa puwesto ang Pangulo. Aber, bumaba nga, sino ang papalit? Automatic ‘yung Vice ngayon. Sang-ayon ba ang lahat na pumalit si Binay? Alam naman natin na may kinakaharap na katiwalian ang mga Binay. Lilitisin ba ni Binay ang sarili niya? Kaya huwag  tayo padalos-dalos sa desisyon. Antay nalang natin ang 2016, ilang tulog nalang yun. Thanks, Joey. – 09205563…

Tama ang ating texter. 15 months na lang si PNoy sa power. Tiis tiis na lang…

– Gud pm, Sir Joey. Dapat ibasura na ni PNoy ang Bangsamoro Basic Law. Mga traidor yang MILF. Walang kwenta sa kanila ang pinirmahan nilang peace agreement. – 09484428…

– Sir Joey, ang mga tao na kontra sa Bangsamoro Basic Law, ano ba ang alam nila sa kapayapaan at katahimikan ng isang bansa? Kung magsalita sila akala mo marunong. Kung gusto nila, tumakbo sila sa pagkapangulo. Saludo po tayo sa #fallen 44 SAF dahil mission accomplished ang lakad nila. Ang mga obispo na nana-nawagan ng resign PNoy ang mabiti nalang  nilang gawin magdasal para sa kapayapaan. Ang isang confidential mission laluna kung ang target ay isang high profile, hindi na kailangan ipagsigawan pa ang lakad dahil masusunog. Alam ng mga pamilya ng nasawing SAF na nang pumasok sila sa pagka-alagad ng batas, nasa hukay na ang kanilang mga paa. – 09202486…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *