Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Biyaheng Impiyerno

00 kuwentoSa panghoholdap na humaba ang ‘sungay’ ni Junior Tutok. Sa kalye, mistula siyang isang buwitre na naghahanap ng masisilang biktima. Target niya ang lahat ng may mamahaling gamit at alahas, lalo na ang may dala-dalang cash. Solo flight siya kung lumakad. At wala siyang pinipiling oras. Kaya niyang manutok sa gabi man o sa katanghaliang-tapat. Maraming-marami na siyang nabiktima, estudyante, empleyado, ordinaryong sibilyan at kung sino-sino pa. Pero kadalasan ay puro taxi driver ang inaagawan niya ng salaping kinita sa maghapong pamama-sada. Ang salaping pinagpawisan ng ibang tao ay nauuwi lang naman sa kanyang mga bisyo – alak, babae at sugal.

Nang gabing iyon ay pauwi na si Estoy. Pagkakain ng hapunan sa isang turo-turong karinderya sa gilid ng kalsada ng Letre-Malabon ay saglit munang namahinga. Malayo ang lipad ng isip niya habang hitit-buga sa usok ng siga-rilyo. Makulimlim ang mukha. At upang mapaluwag ang naninikip na dibdib ay makailang ulit napabuntong-hinga.

Kaninang umaga kasi ay nauwi sa away ang mainitang paki-kipagtalo ni Estoy sa asawang reyna ng mga bungangera. Lagi kasing kapos ang kita niya para sa pamilya sa dami ng mga gastusin at pa-ngangailangan sa buhay. Pero ang higit na mabigat na dalahin ng pobreng taxi driver ang kumakalat na tsismis na ‘may lalaki’ ang misis niya. Sa bulgar na salita, pinipindeho siya ng taksil na asawa. Siya mismo ang naka-takdang holdapin ni Junior Tutok!

(Itutuloy)

 

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …