Saturday , November 16 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Kasal at bahay sa panaginip  

00 PanaginipGud day po sir,

Ako c Poleng, nanagnip ako na ikksal na dw ako, tpos po ay ang saya ko dw at tinatanong ko pa yung nging hsbnd ko ang ttrhan nming bahay… salamt s inyo sir and wag mo n lng po ipost cell # ko.

 

To Poleng,

Ang panaginip ukol sa kasal ay simbolo ng bagong simula o pagbabago sa iyong kasalukuyang buhay. Ito ay repleksiyon din ng ilang isyu o mga bagay-bagay hinggil sa commitment and independence. Alternatively, ang panaginip mo ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa feelings of bitterness, sorrow, or death. Ang ganitong mga panaginip ay kadalasang negative at nagha-highlight sa ilang usapin hinggil sa anxiety or fear. Ito ay maaaring nagpapa-alala sa iyo na dapat harapin ang mga negatibong bagay na kinakaharap o dumarating sa iyo. Kung ikaw naman ay talagang nagpaplanong magpakasal, ito ay maaaring may kaugnayan o nagha-highlight lang sa stress ng pag-aayos ng isang kasalan.

Ang nakita naman sa bungang-tulog mo na masaya ka ay maaaring compensatory dream lang at kadalasan ay kabaligtaran ang kahulugan nito. Maaaring ito ay pagnanasang ma-compensate ang kalungkutan o stress sa iyong waking life.

Ang bahay sa panaginip ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, at etc. Sa kabuuan ang panaginip mo ay may kaugnayan sa iyong kasintahan o asawa at sa iyong unconscious feelings sa kanya. Maaari rin na ang iyong panaginip ay may kaugnayan sa kagustuhang mag-focus sa ilang nakatagong elemento na hindi mo hinaharap sa estadong ikaw ay gising.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *