Friday , November 15 2024

Saan napunta ang 50 percent ng P1.919 Bilyong kita ng PCSO? (Officials and employees daig pa ang tumama sa Lotto)

00 Bulabugin jerry yap jsyUSAP-USAPAN ngayon na ang mga opisyal at empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay hindi ka kailangan tumaya sa LOTTO para makatsamba ng suwerte.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), hindi ipinasok ng PCSO sa National Treasury ang P959.5 milyones na kinita nito noong 2012 mula sa pasampu-sampung pisong taya ng taong umaasa na susuwertehin sila sa loteryang pinatatakbo ng gobyerno.

Imbes ipasok sa National treasury, inuna pa umano ng mga opisyal ng PCSO na maglaan ng P202 milyones para sa kanilang mga bonus at allowances.

Ayon sa COA, ang ipinamahaging mga bonus at allowances para sa mga opisyal at empleyado ng PCSO ay maaaring lampas sa itinatakda ng compensation laws, rules and regulations o kaya ay hindi aprobado ng Pangulo.

Ang hindi pagre-remit ng PCSO sa National Treasury ng kalahati ng P1.919 bilyong kinita nila ay malinaw na paglabag umano sa Section 3 Republic Act 7656 (government-owned and controlled corporations (GOCCs) must declare and remit at least 50 percent of their annual net earnings as cash, stock or property  dividends to the national government).

What the fact, PCSO Chairman Rojas!?

Aba hindi biro ‘yang kalahati ng P1.919 bilyon (o P959.5). Malaking halaga ‘yan na dapat pakinabangan ng sambayanan.

Mantakin ninyong marami tayong kababayan na naghihikahos, walang sariling bahay, hirap magpaaral ng mga anak, hindi makapagpagamot kapag maysakit, at walang hanapbuhay, pero ‘yung mga opisyal at empleyado ng PCSO namumunini sa pondong hindi naman nila dapat solohin?!

Hindi man lang ba kayo kinikilabutan!?

‘Yang pondo ninyo ay mula sa mga kababayan natin na umaasang sila ang makasasambot ng suwerteng mga numero sa Lotto kaya kahit huling sampung piso o bente pesos sa kanilang bulsa ay kanilang ipinakikipagsapalaran.

Madaragdagan pa ‘yang lotto games ng 6/58 na malamang ay maging prente na naman ng jueteng?! Hindi kaya bago matapos ang PNoy administration ay umabot pa sa 6/88 ‘yang loterya na gamit na gamit bilang prente ng jueteng?!

Tapos ang PCSO, basta na lang nagdesisyon na pagparte-partehin para sa kani-kanilang bulsa?!

OIC Chairman Jose Ferdinand Rojas II, sir, hindi ba’t napakaluwag ninyong magbigay ng milyon-milyon ads sa malalaking diyaryo, radio station at television network?!

Pero ‘yun mga humihingi ng medical assistance sa inyo ay pinagmumukha ninyong timawa sa dami ng rekesitos at pabalik-balik diyan sa opisina ninyo! Magbigay man ay wala pa sa 50 porsiyento ang inaaprubahan ninyong medical assistance!

Saan galing ang budget ninyo para riyan? Kasama ba ‘yan sa nawawalang P959.5?!           

Totoo rin ba na mayroong mga ad agent na haping-hapi sa inyo kapag nabibigyan ninyo ng ad placement lalo na raw ‘yung malalaking entity dahil malaki rin ang kanilang komisyon?!

 Paki-EXPLAIN nga OIC Chairman Joy Rojas!

MPD Presinto-Sais  “tahimik pero mapanganib!?”

‘Yan ang laman ng umpukan ngayon sa iba’t ibang presinto ng Manila Police District (MPD) at sa Headquarter.

Mabuti pa raw ang Presinto SAIS ng MPD ay tahimik at walang kontrobersiya ang kanilang puwesto pero tuloy at maganda naman daw ang kobransa mula sa mga ilegalista?!

Wala raw kasing mga ‘iyakin’ na barangay chairman na mahilig umarbor sa mga nahuhuling constituents nila sa AOR ng PS-6 na pinamumunuan ni KERNEL “DOMENG” DOMINGO. Hindi nga raw nagkakalayo ngayon ang PS-4 at PS-6.

Lahat kasi ng 1602 ay nasa teritoryo na ni Kernel Domeng gaya ng bookies ng kabayo, Lotteng, Bol-alai, STL cum jueteng at nagkalat na video karera na may kadikit na bentahan ng droga.

Pasok na pasok sa Presinto-SAIS ang lahat ng mga tarya o Intelihensiya sa mga 1602 operator na sina  BOY ABANG, 1602 BAGMAN COP PAKNOY FRESNEDI, PASYA, JOE “TONTON” MARANAN.

Timbrado rin daw ang bookies at lotteng ni TONTON at PASYA na malapit lang sa simbahan at perimeter ng police station-6 ni Kernel Domingo.

Iba pa ‘yung mga butas ng bookies na pulis ang operator ay obligado na maghatag rin ng tarya.

MPD district director Col. Rolly Nana, pasyal-pasyalan mo naman paminsan-minsan ang presinto sais.

Aba’y mahirap ang nabubukulan, Sir?!

Babala sa balahurang Petra and Pepita Parlor sa Meycauayan, Bulacan (Encarnacion Group of Salon) 

SIKAT na beauty salon ang Petra and Pepita (Encarnacion Group of Salon), na matatagpuan sa McArthur Highway, Calvario, Meycauayan City, sa Bulacan, kaya naman isang reporter natin na naka-beat sa Bulacan, from Sta. Maria ay sinadya pa ang beauty salon na ito para magpaayos ng buhok.

In short, ang habol niya ay para magpa-beauty.

Pero linsiyak naman, sikat pala ang beauty salon na ito sa pagiging balahura!

Ang inaasahan niyang pagpapaganda ay nauwi sa isang trahedya.

Nito ngang Pebrero 1, nagsadya ang lady reporter sa Petra and Pepita para magpa-rebond ng buhok at dumating siya rito dakong alas-nuwebe ng umaga.

Sa utos ng tumatayong manager at cashier ng salon na si Donna Anas, ang nag-asikaso sa kanya na beautician at rebonder ay si Venus Angeles.

Ayon sa reporter, pinili niya ang P2,000 package rebond with cellophane, pero napansin niya agad na itong si Venus  ay wala munang ginawang hair teatment sa kanya. Bara-bara na agad ang trabaho. 

Mantakin ninyo na ang unang ginawa ni Venus ay inaplayan agad ng pangkulay at saka binanlawan ng tubig. 

Sonabagan!!!

Hindi yata tama ang prosesong ito, ni hindi man lamang dumaan sa hair testing?

Pero nagsawalang-kibo muna siya sa pag-aakalang gamay na gamay ng Venus na ito ang kanyang ginagawa sa buhok ng lady reporter natin sa Bulacan. 

Sumunod na ginawa ni Venus ang rebonding sa buhok ni lady reporter. Nang matapos ay 15 minutong iniwanan ni Venus hanggang balikan niya ito at ispreyan ng tubig ang buhok ng reporter.

Heto na ang nakapanghihilakbot na eksena.

Aba’y nang suklayin na ni Venus ang buhok ni costumer, aba’y nagkalagas-lagas! Naturalmente, nagulat si lady reporter sa nangyari sa kanyang buhok kaya ipinatigil na niya agad ang ginagawa sa kanya ni Venus at kinompronta pati ang manager at cashier na si Donna Anas.

Ginawan pa ng kung ano-anong treatment ang buhok pero wala rin nangyari. Kapag sinusuklay at  hawakan man lang ‘e talagang nagkakalagas na ang kanyang buhok sa ulo.

Umamin naman sina Venus at Donna na may pagkakamali sa treatment ng buhok ni lady reporter.

Pero, ni simpleng sorry, walang narinig sa dalawa ang reporter natin, manapa’y nagsumbong pa sa boss nila na si WILSON BUEN,  na ang sagot naman, areglohin na lang.     

Namputsa!!!

Kapag ganito bang may balahurang pangyayari sa salon mo, Mr. WILSON BUEN, areglohin na lang!? 

Paano kung sa kapabayaan ng mga tauhan mo ay tuluyang makalbo ang mga nagiging kostumer mo, aaregluhin pa rin!

Ikaw kaya ang kalbuhin namin, Mr. Buen!?

Dapat umaksiyon ang pamunuan ng Encarnacion Group of Salon para tanggalan ng prangkisa ang Petra and Pepita at baka dumating ang araw, tuluyang sirain nito ang pangalan ng kompanya.

PAGING: MEYCAUAYAN BPLO, tadtad ng violations ang Petra and Pepita tulad ng expired ang mga permit, wala rin working permit ang ilang tauhan nito, at pati sa barangay, walang clearance.

Ipasara na agad ang salon na ‘yan bago pa makapamerhuwisyo nang husto!

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *