Bkt p0 lagi ak0ng nanaginip n my bf ako per0 wala tlga ak0ng bf tp0s p0 nkikita k0 lagi yung first ex k0 x pnagnip k0 rn p0 ask k0 lng k0ng an0ng ibig sabihin nun ‘thank you’ Angel nga pUe pLa ng Rizal (0948 6331525)
To Angel,
Ang panaginip na mayroon kang boyfriend kahit wala naman sa reyaledad ay maaaring nagsasabi sa iyo na panahon na para muling magmahal. O kung hindi pa nagkaka-boyfriend at nasa tamang edad naman, panahon na para maranasang makipagrelasyon. Posibleng ang iyong curiosity ay nagbibigay ng ayuda sa ganitong tema ng panaginip. Sa kabilang banda, maaari rin namang bunsod ito ng kalungkutan sa iyong parte at ng kawalan ng aksiyon o excitement sa buhay, kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo.
Kapag nakita mo ang iyong ex-boyfriend sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin naman na kung may kasalukuyan kang karelasyon ay nagkakaroon kayo ng misunderstanding o problema, kaya lumalabas na nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa kasalukuyan mong karelasyon.
Maaari rin na ang rason nito ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang malamang na dahilan kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya. Subalit, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga bagay na katulad nito. Kung ganito ang sitwasyon, mas malamang na iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan.
Señor H.