Friday , November 22 2024

Saan napunta ang P2.57-Bilyon Pabahay para sa mga biktima ng bagyo, Madame Dinky?!

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin hinahangad na maranasan ni Social Welfare and Development Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman ang matulog sa bangketa o ‘yung walang masulingan at masilungan habang hinahampas ng malakas na hangin at ulan…

Pero kung hindi niya maipaliliwanag kung saan napunta ang P2.57-bilyon ‘e pwede bang ang maging parusa sa kanya ‘e ‘yung ilagay natin siya sa gitna ng rumaragasang tubig sa Marikina River o kaya hayaan natin siyang lumangoy-langoy sa gitna ng Sibuyan sea?!

Mantakin ninyong ‘yang pondong ‘yan ‘e kasama pa ‘yung mga biktima ng Sendong noong 2011 sa Cagayan de Oro at mga biktima ng Pablo noong 2012.

Dinaluyong na ni Yolanda ang Tacloban, Leyte; Busuanga at Coron sa Palawan; Capiz, Iloilo at ilan pang bayan sa Panay Island; at mga bayan at probinsiya sa Eastern Visayas gaya ng Eastern Samar pero hindi pa rin pala naitatayo ang mga housing project para sa mga biktima nina Sendong at Pablo.

Wala naman tayong masamang tinapay kay Madam Dinky, pero ang ipinagtataka lang natin, noon pa man ‘e hindi na natin magustuhan ang kanyang mga fashion statement gaya ng paglalagay ng iba’t ibang kulay sa kanyang buhok na tila isang punkistang laos dahil hindi ito naaayon sa kanyang posisyon bilang DSWD secretary.

Aba ‘e kulang na lang tawagin siyang Reyna ng Rugby Boys dahil sa mga pakulay-kulay niya sa kanyang buhok.

‘E kaya naman pala, reflective naman pala talaga sa kanyang trabaho ang kanyang fashion statement…

Madam Dinky, pinagpapaliwanag ka na ng Commission on Audit (COA) kung nasaan na ang housing project para sa mga biktima ng Sendong at Pablo…

Nasaan na nga ba?!

Paki-explain!

Mga kolek-tong na ginagamit si Sec. Mar Roxas para sa 2016 Fund Raising?!

HINDI pa man, kinakaladkad na ng ilang SCALAWAG sa Philippine National Police (PNP) ang pangalan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kanyang pangalan sa mga shabuhan, putahan, sugalan at maging sa bagsakan ng mga nakaw.

Isang ‘bulldog’ na animo’y nakawala sa kulungan na kung tawagin ay alyas MAJOR TARA-YO, isang P-O-2-10 Niño ng PNP-SPD at isang pulis hao-shiao Aspeleta ang walang humpay sa kaiikot at kagagamit ngayon sa pangalan nina Sec. Mar, PNP OIC Gen. Leonardo Espina at Gen. Henry Ranola para sa pangangalap ng kolek-TONG sa Metro Manila partikular sa South Metro.

Sila umano ang inaatasan para makalikom ng pondo para kay Secretary Mar para sa 2016.

Kung totoo man ‘yang pinaggagawa nina alyas Major Tarayo, PO2-10 Niño at pulis-pulisan Aspeleta aba ‘e kaiingat sila kay Madam Koring.

Ayaw na ayaw niyang binubukulan ‘este ginagamit ang pangalan ng kanyang waswit sa pangongolek-TONG!

Mga tinamaan kayo ng mga diyos ng shabuhan, sugalan, putahan at bagsakan ng mga nakaw… kaiingat kayo kapag si Madam Koring ang nakatiyempo sa inyo.

Tingnan natin kung uubra kayo sa ingay este sa taray ng misis ni Secretary Mar.

Inuulit ko lang po, Secretary Mar, ipabusisi po ninyo ang tatlong itlog na ‘yan at t’yak may lulutang pang mas bigtime…

Aabangan po namin ‘yan!

4M lobby money ng ismagel na paputok sa AoR ng Onse

ALAM na kaya ni Kernel Anonuevo ang bagong district commander ng MPD-PS-11 na may umikot na 4 na milyon lobby money para makapaglatag ang isang Chinoy na alyas ANTHONY ng kanyang mga smuggled na paputok sa kanyang area of responsibility!?

Kaya naman lahat ng uri ng malalakas na imported na paputok ay mabibili na ninyo sa kalye ng Claro M. Recto, Elcano St., Juan Luna St., M. Dela Fuente St., at Soler St., sa Binondo, Maynila.

‘Yan ba ang tinatawg na total ban sa mga malalakas at ismagel na paputok!?

Sonabagan!!!

Ang behind story Kernel Anonuevo, umatras daw ang original na ismagler at naglalatag ng imported na paputok na si VICENTE dahil sa laki ng tara na hinihingi ng isang bagong nagpapakialalang bagman ng ‘ONSE na si alyas POT-TRES ‘PASANG’ KRUS?

Ilan lehitimong dealer ng fireracker mula sa Bocaue, Bulacan ang umaangal dahil ang ismagel na paputok ni Anthony ay bagsak presyo sa Binondo, Maynila.

Obligado rin ang mga vendor na magtinda ng imported na paputok dahil kung local -made na paputok ang kanlang ibebenta ay puro huli ang aabutin nila!

MPD D/D S/Supt. Rolly Nana, totoo ba na kinitatakutan daw ang bagman na si POT-TRES KRUS ng mga nagiging station commander sa MPD?

Dalawa na raw kasing station commander ang napasibak niya dahil hindi pinagbigyan ang inaarbor na shabu pusher?

Aba’y kung tototo ito Sir, kaingat lang at baka kayo na ang sumunod na mabiktima ni POT-TRES KRUS?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *