Friday , November 22 2024

Batangas Port bagsakan ng puslit na luxury car, SUVs

00 Palipad hangin Arnold ataderoMAY nasagap tayong intelligence info sa Aduana grapevine tungkol sa nagaganap daw na rampant smuggling ng mga nagmamahalang kotse (SUV) na nagsimula noong last quarter nitong 2014 (Oktubre hanggang Disyembre).

Ang masama nito lumalabas daw na walang alam ang acting District Collector ng Batangas Port sa nagaganap sa mismong tungki ng kanyang ilong. Itong paglapastangan ng mahalagang revenue para sa pamahalaan.

Ang mga nasabing luxury or high end na sasakyan na marahil mga naka-display na sa big car center sa Metro Manila ay produkto ng tinatawag nating technical smuggling.

Ipinapasok daw ang mamahaling sasakyan na ito, Commissioner John Sevilla, Deputy Commissioner Jessie Dellosa ng customs intelligence arm, at deputy commissioner Ariel Nepomuceno, na walang tinatawag na ATRIG o Authority to Release Imported Goods na iniisyu ng Bureau of Internal Revenue.

Kung totoo nga ito, ang laking taxes (excise or luxury taxes ng BIR) ang nadadaya sa pamahalaan ng mga nasa likod ng nasabing smuggling sa Port of Batangas. Ito raw ay naging intensified pagdating ng Oktubre at hanggang sa ngayon.

Sang-ayon sa Aduana grapevine, ang mga ilang tiwaling opisyales ng nasabing Puerto sa Southern Tagalog at syndicate ng car smuggling ang nasa likod niyan.

Ang masakit pa rito, Mr. Commissioner, Depcom Dellosa at Depcom Nepomuceno, pinapaikot daw itong acting District Collector ng Batangas Port ng syndicate at kanyang mga tauhan. Posibleng mahigpit ang pagbabantay sa Manila ports, pero doon sa outports baka hindi nababantayan nang husto. Baka may mga hunghang na mga opisyales na pumipikit habang inilalabas ang mga smuggled na Land Cruiser Toyota, BMW, Mercedez Benz, Ferrari, Volvo at iba pang expensive vehicles.

Isipin na lang na pinagmistulang bulag ang acting district collector ng kanyang mga tauhan sa Puerto. Isipin na lang na milyones na excise/luxury taxes ang nangawala sa hindi pagkuha ng ATRIG mula sa BIR. Ito sana ang magtatakda ng sapat na buwis sa imported vehicles, marahil hindi bababa sa 50 percent ng landed cost. Kung hindi ito makuha, nagmumukhang ehong ang gobyerno.

Kaya’t ipinapayo ng mga importer ng mga sasakyan na nagbabayad ng luxry taxes na iutos sa District Collector ang pag-recall ng mga nasabing mga sasakyan at gayon din sa ATRIG kung mayroon man sa malaking dahilan na baka inisyu mula sa ‘Recto University’ sa Maynila.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *