Saturday , November 23 2024

‘Drawing’ lang ba ni Mayor Edwin Olivarez ang Ospital Ng Parañaque?

00 Bulabugin jerry yap jsyNOONG una po ay hindi natin pinapansin ang sinasabi ng ilang mga taga-Parañaque na parang ‘white elephant’ lang daw ang Ospital ng Parañaque.

Batay kasi sa mga naglabasang ‘pralala’ (press release) ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang 6-storey building na Ospital ng Parañaque na ginastusan ng P200 milyones ay itinuturing umano ng Department of Health (DoH) na isa sa ‘most modern public hospitals in Metro Manila.’

Nang marinig nga natin ito ‘e, isa tayo sa mga natuwa. Kumbaga, naniniwala tayo na isang malaking achievement ‘yan para sa isang munisipyo o lungsod.

Sabi nga natin, kaya naman pala tigas na pagmamalaki ni Mayor Edwin Olivarez na proyekto raw niya ‘yang Ospital ng Parañaque. (Hindi ba’t proyekto pa ‘yan ni Mayor Jun Bernabe, na suwerteng inabot niya?)

Pero nang marinig natin ang reklamo ng maraming mga taga-Parañaque e talagang nadesmaya tayo.

Ilan sa mga reklamo ng mga pasyente na nagpunta sa Ospital ng Parañaque na umasang makararanas sila ng de-kalidad na serbisyo medikal ‘e nagkamali po sila.

Ito ang sinasabing modernong ospital ‘e wala palang ICU, walang isolation room, walang 2d-Echo.

Mayroong X-ray machine pero kadalasan ay walang plaka (negative) at higit sa lahat kung hindi pupugak-pugak ang oxygen ‘e laging nasa ZERO ang gauge ng tangke.

Kapos din ang gamit para sa mga laboratory test at sa operating room.

‘Yan po ang ipinagmamalaking ‘modernong’

Ospital ng Parañaque ni Olivarez.

Hindi ba’t maliwanag na ‘white elephant’ ‘yan?! Ginastusan daw nang P200 milyones pero hindi mapakinabangan ng mamamayan?!

‘Yang ospital na ‘yan na matatagpuan sa La Huerta ang pirming ipinagmamalaki ni Mayor Edwin Olivarez sa kanyang praise ‘este press releases.

For further information po, tanungin n’yo na lang ang mga taga-Parañaque kung ano ang silbi ng ‘PUTING ELEPANTE’ d’yan sa La Huerta.

Mayor Edwin, isang kuwestiyon lang po, totoo bang ‘yung direktor ng Ospital ng Parañaque ‘e siya ring direktor sa ospital na pag-aari ng inyong pamilya — ‘yung Olivarez General Hospital?

Pakisagot na nga po!

Suspended PNP Chief Alan Purisima humirit pa (Talaga naman!)

Kumbaga sa kartada ng baraha, 7 na gusto pang ihirit ng ‘namamahingang’ PNP chief Alan Purisima ang suspensiyon sa kanya.

Humihirit ng temporary restraining order (TRO) sa Court of Appeals si Purisima sa rason na hindi pa umano siya ang PNP Chief nang maaprubahan ang kontrata ng pulisya sa WERFAST Documentation Agency Inc.

Ito ‘yung courier na nakakuha ng kontrata sa PNP para sila ang mag-deliver (door-to-door) ng lisensiya ng baril doon sa mga aplikante ng permit to carry.

Mismong ang Ombudsman ay nakakita ng iregularidad sa kontrata ng PNP at WERFAST kaya agad nagbuo ng fact-finding investigation para rito.

At ‘yun nga may nakitang probable cause kaya antimano ay ibinaba ang suspension kay Chief PNP at sa iba pang officials.

Pero gusto ngang humirit pa ‘e …

‘Yun daw ang nakanenerbiyos … mukhang makakukuha pa ng TRO si Purisima.

By the way, ito lang po ang tanong, bakit kaya hindi kinasuhan ni Purisima si Gen. Nick Bartolome kung hindi pa siya chief PNP nang maaprubahan ang kontrata ng WERFAST?!

Your guess is as good as mine.

Trending-trendy sina Immigration Officers (IO) Aldwin Pascua & Sidney Roy Dimandal (Take Note: BI Spokesperson Atty. Elaine Tan)

ISA ito sa mga positibong bagay sa social media.

Nagkakaroon ng kalayaan ang mga naaagrabyadong mamamayan para ipahayag ang kanilang damdamin.

Kumbaga, sa social media man lamang ay mailabas nila ang kanilang galit at sama ng loob para mabawasan naman ang stress na kanilang nararamdaman.

Tayo man po ay nagulat nang mabasa natin ang damdamin ng maraming mamamayan at naging biktima nang mai-upload ang kolum natin tungkol sa abusadong Immigration Officers (IO) na sina Aldwin Pascua at Sidney Roy Dimandal sa website ng HATAW D’yaryo ng Bayan.

Grabe ang haba ng mga reklamong naglitawan sa thread of comments at sa huling pagsipat natin ay umabot na sa 14,510 shares at ‘yung isa ay umabot na rin ng halos 2,013 ang shares.

Kada segundo ay mayroong nagpo-post ng comment bukod pa sa sharing.

Grabe!

‘Yan ang napapala ng government officials na astang naghahari-harian sa kanilang pwesto.

Kung totoo man na kulang ang requirements ng mga kababayan nating lalabas ng bansa, pwede namang sabihin nang maayos ito sa kanila.

Hindi ‘yung halos hubaran na nila ng pagkatao ‘yung pobreng mag-asawa dahil sa masasamang salita na inabot kay IO Dumaldal ‘este’ Dimandal habang ‘yung IO Pascua naman ay nagpapakaangas kahit sa public officials.

Hoy dalawang kamote, kung kayo ay pinagmartsa-martsa at pinagsigaw-sigaw lang noong mag-training kayo sa panahon ni Comm. David ‘e mabuti pang magsundalo na lang kayo at magpadala kayo sa Mindanao.

Doon ninyo ilabas ang mga kaangasan ninyo!

By the way Immigration Spokesperson Atty. Elaine Tan, alam mo ba na may kakaibang style ‘yan pinupuri mong si IO Dimandal sa iyong praise/press release last week (na hindi kinagat ng media)?

Ang style daw ng walanghiyang ‘yan ay BINUBULUNGAN ang mga pasaherong ino-offload n’ya ng masasamang salita para nga naman hindi marinig ng ibang IO?!

Madame Elaine, kaysa siguro nagpapalamig-lamig ka lang daw diyan sa opisina at mesa mo ‘e paki-monitor mo personally ‘yang idolo mo na si IO Dimandal.

Pwede ho ba!?

Natuwa nang mawala ang MTPB, MTRO, at wrecker sa Maynila

MARAMI ang natuwa nang mawala ang MTPB, Mtro at wrecker sa lungsod ng Maynila dahl nawala ang sakit ng ulo ng mga drivers ng tricycle, pedicab, kuliglig at ang mga jeep. Lalo na ang mga truck na gatasan nila kaya sana ay hwag ng magbalik ang mga iyan lalo na jan sa impounding ng North Cemetery iyong mga Mtro mahilig sa lagay. may pnakawalan pa ang kanilang hepe na Sticker na walang huli sa mga tricycle, pedicab. at kuliglig pero may tongpats ang 2 bawat isa na 60 pesos. Maliwanag na raket ng Mtro sa North Cemetery kaya xia nagbibigay ng advice na sahod sa mga tauhan ng Mtro dahil sa laki ng kanyang kinikita sa mga 2. paki lang huwag na ilagay ang cp ko employee alias na lang A.M. Enforcer +6392928 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *