Saturday , November 23 2024

Ano ba talaga ang nangyari kay Airport Police Trainee Leo Lazaro!?

00 Bulabugin jerry yap jsyIBA-IBANG bersiyon ng balita tungkol sa namatay na trainee ng Airport Police Department (APD) sa isang private resort na pag-aari umano ni airport police chief, C/Supt. Jesus Gordon Descanzo sa San Jose, Nueva Ecija ang lumabas sa pahayagan.

Ang bersiyon na nakaabot sa atin, namatay sa recognition rites ang trainee na si Leo Lazaro, dahil katatapos pa lang umano ng matinding pagsasanay ‘e pinayagan nang magkaroon ng hapi-hapi. Ibig sabihin, pinakain at pinainom.

Nang maipaabot sa atin ang balitang ito, sinikap ng aming pahayagan (HATAW) na makausap ang mga kinauukulang awtoridad.

Una siyempre sa Media Affairs Division (MAD) na pinamumunuan ni Ms. Connie Bungag ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa numerong 854.00.15. Ibinigay ng MAD ang numero ng APD Headquarter 833-31-63 at ang trunk line na 877.11.09 local 4204.

Pero ring nang ring lang ang telepono noong linggo ng hapon. Ibig sabihin walang tao sa APD HQ!?

Linggo raw kasi kaya walang tao. Airport police headquarters po iyong tinawagan natin pero walang tao.

Naikonek din po tayo sa MIAA AGM-SES office, pero wala rin pong opisyal na pwedeng maglinaw tungkol sa insidente. Ang sabi ng isang nakausap roon, galing daw siya sa sakit kaya kapapasok lang niya at wala siyang alam sa itinatanong ng staff namin.

Ibig pong sabihin, ZERO RESULT ang effort ng aming pahayagan na makuha ang panig ng mga awtoridad.

Tapos na ang diyaryo namin nang makatanggap tayo ng impormasyon na hindi sa hapi-hapi namatay si Lazaro kundi sa sobrang pagpapahirap daw.

Ayon umano sa pamilya ni Lazaro, alyas Yung-gi, 27 anyos, sa unang tingin nila sa bangkay nito ay kitang-kita ang iba’t ibang palatandaan na siya ay namatay sa pahirap.

Bago mamatay ang biktima ay nakausap na nila noong Huwebes sa Villamor Airbase.

Noon pa lamang ay naikuwento na ni Lazaro ang sobrang pahirap na nararanasan nila. Ang buong batch umano nina Lazaro ay umaangal sa sobrang pagpapahirap.

Gayon man, inisip nilang makararaos din si Lazaro at ang kanyang mga kasamahan.

Kaya nitong Nobyembre 29 (Sabado), nagulat sila nang datnan na walang nang buhay ang kanilang kaanak sa Sacred Heart Hospital, San Jose City, Nueva Ecija.

Ang unang impormasyon na ipinaabot sa kanila ay kritikal si Lazaro kaya naman dali-dali silang nagpunta sa Nueva Ecija.

Pero lalo silang naghinagpis nang makitang

biyak ang ilong, nakanganga at tumatagas ang dugo mula sa bunganga, bali ang mga daliri, nakabaliko ang ‘muscles’ at halata umanong nanlaban at punong-puno ng marka ng bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi inakala ng pamilya ni Lazaro, na magiging pagluluksa ang wakas ng kanyang kaligayahan nang mabatid na nakapasa siya bilang trainee ng APD nitong Oktubre.

Pero imbes maging Airport police, isang malamig na bangkay ang iniuwi nilang kaanak.

Pumutok ang galit ng pamilya Lazaro nang lumabas sa awtopsiya na ‘bangungot’ ang ikinamatay ng kanilang kaanak.

Nakipag-ugnayan na ang pamilya Lazaro kay Public Attorneys’ Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta, sa mga kaukulang awtoridad, para magbigay liwanag sa tunay na sinapit ng kanilang kaanak.

Sa panig naman ng MIAA Media Affairs Division, sila umano ay nakabatay sa resulta ng awtopsiya at iba pang dokumentadong ebidensiya na makakalap kaugnay ng kamatayan ni Lazaro.Hindi rin recognition ang naturang event kundi team building para sa mga bagong airport police.

Sinabi rin ni GM Jose Angel “Bodet” Honrado na ang training na inilulunsad ng MIAA ay hindi abusado, walang pagpapahirap o ano mang uri ng pananakit na maaaring ikapagbuwis ng buhay.

Nakahanda rin umano sila sa isang imbestigasyon kaugnay ng kamatayan ni Lazaro.

Sa amin naman pong mga mamamahayag, isa lang po ang hinihiniling namin, sana lang ay laging mayroong available na awtoridad na kayang sumagot at magpaliwanag sa mga tanong namin lalo na kung ganyan ka-sensitive ang issue.

By the way SOCO ‘este’ MAD head Ms. Connie Bungag, ano nga po pala ang sagot ninyo doon sa tanong na, pag-aari nga ba ni ret. Chief Supt. Gordon Descanzo ang nasabing private resort?!

‘Yan po, pakisagot na rin po.

Overacting o lapitin nga ba ng eskandalo si MMDA traffic enforcer Adriatico!?

WALA tayong pinapanigan sino man kina Maserati Owner Joseph Russel Ingco o MMDA enforcer Jorbe ‘dura’ Adriatico.

Ang labis lang nating ipinagtataka, bakit mahilig mag-video si Adriatico at bakit naman pinatulan ni Ingco ang sitwasyon?!

Pagkatapos lumabas sa social media ang sinabing pagkaladkad at pananapak ni Ingco kay Adriatico, lumutang ang iba pang biktima ng MMDA dura ‘este’ Traffic enforcer.

Maging ang mga vendor sa paligid ng vicinity ay nagsasalita na rin laban kay Adriatico.

Ang punto natin, simple lang, si Adriatico na isang MMDA enforcer ay nangangahulugan na government employee o kahit na volunteer lang siya, kaya dapat lang na timpiin niya ano man ang kanyang nararamdaman na pagkagalit o ano pa man.

Tingin natin ay hindi rin tama ‘yung kinukunan niya ng video sa kanyang cellphone ang mga motorista at magbanta na magte-trending ang mga nasisita niyang motorista dahil ito ay kabastusan.

Kung tayo ang matitiyempohan ni Adriatico, at ingungudngod niya sa ating mukha ang cellphone/video n’ya, aba ‘e may kalalagyan siyang talaga.

Uulitin ko lang, MMDA enforcer Adriatico, ikaw ang naka-UNIPORME kaya ikaw ang dapat na magpakita ng kortesiya.

Huwag kang mag-power trip sa uniporme mo bata.

Kung hindi mo aayusin ang iyong asal, tiyak marami pang ganyang kaso ang iyong makahaharap.

Hinay-hinay lang boy video!

Sino-sino ang nakinabang sa Pandacan Oil Depot?

SIR JERRY, alam mo ba na may nabigyan ng gasolinahan d’yan sa issue ng Pandacan oil depot. Pakitanong na lang kay Konsi Letlet Zarcal cno may ari ng gasolinahan dyan sa may San Miguel. +63918599 – – – –

DPS tongpats din sa ilegal terminal sa Divisoria!

SIR nadagdagan ang umiikot sa mga illegal terminal ngayon. Ang kumukuha ng TARYA ay si MIKAY na kolektong ni GAGOBIOLA na personal na tauhan daw ni Borromeo sa DPS. Grabe tarya namin sa MTPD, DPS, MPD-TEU. +63916424 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *