Friday , November 22 2024

Pulis 15/30 namamayagpag din bilang bagman ‘kuno’ sa PNP-Parañaque

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG hindi rin talaga tumagos sa Philippine National Police (PNP) ang ‘daang matuwid’ ni PNoy.

Ito ang isang example na hindi na na-absorb ng PNP ang daang matuwid —

Sa PNP-Southern Police District (SPD), take note District Director, Gen. Henry Rañola, isang pulis sa Parañaque ang kilalang-kilalang kinsenas-katapusan (15-30) kung pumasok — ‘yan daw si alias S-PO-TRES CHARLIE BOY.

Ibig sabihin, susuweldo lang para maihatag sa kung sinong opisyal ang hinahatagan niya ng porsiyento.

Pero ayon sa ating mga impormante, kaya umano 15-30 kung pumasok si SPO3 Charlie dahil siya ay “KOLEK-TONG AT LARGE” sa lahat ng vices sa Parañaque City.

Ang ibig sabihin umano ng kolek-tong at large ‘e ‘yung namamahala sa koleksiyon mula sa 1602 at video karera, mga KTV bar at entertainment clubs na mayroong iba’t ibang  putahe ng kalaswaan at iba pang kailegalan sa area of responsibility (AOR) ng Parañaque.

Siya rin ang itinuturong ‘tongpats’ ng Jueteng queen sa South Metro na si alias Joy Rodriguez!

Kumbaga, limpak na kuwarta ang inihahatag ni SPO3 Charlie boy sa kabang yaman ng kanyang bossing kaya okey lang na ang pasok niya ay 15-30.

Desmayado na umano ang mga kasamahang pulis ni SPO3 Charlie. Akala nga nila noong una ‘e wala na siya sa AOR ng Parañaque pero hanggang ngayon ay nasa payroll pa pala.

Sonabagan!!!

Aba, Parañaque chief of police (COP) Sr. Supt. Ariel Andrade, bakit nakalulusot ang ganyang kostumbre or shall we say ‘raket’ sa AOR ninyo?!

‘E wala na rin pagkakaiba ‘yan sa mga ‘ghost employees.’ Panay ang sweldo pero hindi pumapasok at kolektong lang?!

Palagay natin ‘e dapt na rin busisiin ng Commission on Audit (COA) ang payroll ng mga lespu at magkaroon ng ocular visit para matiyak kung ang mga pulis na nasa payroll ay talagang pumapasok at nagtatrabaho.

Aba ‘e anong masasabi ninyo sa ganitong sistema NCRPO chief, Director Carmelo Valmoria?!

SPD director, Gen. Rañola Sir, naitanong na ba ninyo kay Kernel Andrade kung bakit pinapayagan niyang 15-30 lang kung pumasok si alias S-PO-TRES Charlie?!

Pakisagot lang po!

 Huwag mo kong “sindakin”power-tripper na Immigration Officer!

MATAPOS nating ilabas sa ating kolum ang “power-tripping” ng isang Immigration Officer (IO) na nakatalaga d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, laban sa isang halal ng bayan na Congressman, aba ‘e nagpuputok daw ang butse ni IO at nagbabanta pa na idedemanda pa raw ako ng libelo.

Hik hik hik…sumakit tuloy ang tiyan ko sa kakatawa  sa ‘yo ‘bata!

Kailan pa nagkaroon ng puri at dangal ang isang Immigration officer na siya mismong nagbabalewala sa BI CARES program ni Immigration Commissioner Siegfred Mison dahil sa kabastusan at arogansya?

Nagdududa tayo kung naiintindihan ba talaga nitong si IO Aldwin Pascua ang Republic Act 6713  o ‘yung Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Mantakin ninyong ang naging biktima pa ng kaarogantehan nitong si IO power-tripper ay isang low profile na Cavite congressman na hindi gumamit ng liaison officer para alalayan siya sa kanyang trip patungong China.

Palibhasa nga ay simpleng tao at walang garbo sa katawan si Congressman, kaya hindi siya sanay na mayroong liaison officer o alalay na kasama habang nakapila sa Departure Area.

Lumampas lang sa yellow line si congressman, hayun nakatikim na ng bulyaw kay IO power-tripper.

‘E ‘di umatras naman ‘yung ‘pobreng’ congressman. Aba ‘e sinundan pa ni power-tripper, “Bingi ka yata!”

BI Comm. Fred Mison, mantakin ninyong isang congressman ‘e nabu-bully ng isang power-tripper na Immigration officer, paano na kung isang simpleng mamamayan lang o kaya overseas Filipino worker na nag-aakyat ng limpak-limpak na dolyares sa kabang-yaman ng bansa?

Baka higit pa sa ginawa ni IO power-tripper kay congressman kapag isang pangkaraniwang mamamayan lang ang tumapat sa counter n’ya!?

O Immigration officer power-tripper, ganyan ba talaga kalala ang kagaspangan ng ugali mo?

Masyado ka nang sumisikat  diyan sa airport bata!

Sorry IO power-tripper, pero huwag mo ka-ming sindakin… sanay tayo sa libel (harrasment) case.

It’s part of our job!

iProtect Security Agency sandamakmak ang unfair labor practices (ULP) (ATTN: DOLE-NLRC & SSS)

ILANG beses na po tayong nakatanggap ng reklamo laban sa iProtect Security Agency mula sa kanilang guwardiya dahil sa sandamakmak na unfair labor practices (ULP).

Napakahirap po ng trabaho ng isang security guard. Sabi nga, kapag naka-duty sila para na rin nakaumang ang isang paa nila sa hukay.

Siguro bawat pamamaalam nila sa kanilang pamilya ay katumbas din ng kawalang katiyakan kung makauuwi pa sila nang buhay.

Ganyan po kadelikado ang trabaho ng isang guwardiya.

Kaya naman masama talaga ang loob ng mga sekyu ng iProtect Security Agency, bukod sa below minimum wage ang natatanggap nila, wala silang benepisyo.

Ang pagkain at kape ay sagot rin nila. Kumbaga sa sarili lang nila ay kulang pa ‘yung sweldo nila. E paano na ‘yung pamilya nila.

Ang matindi, dalawang beses magkaltas para umano sa cash bond at sa baril — pero karamihan naman sa kanila ‘e walang baril … at marami rin ang walang lisensiya bilang guwardiya pero parang balewala lang ito sa may-ari.

May 75 pesos na kaltas pa kada suweldo na para raw sa kanilang pondo.

Kumbaga, hindi lang batas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nilalabag ng iProtect Security Agency. Kundi maging ang patakaran ng Camp Crame. Kapag araw naman ng suweldo, parang ayaw pakawalan ‘yung pera kasi gabi na kung magpasuweldo.

Kapag tinanggap naman ang sweldo sandamakmak ang stapler, parang gusto pa magkapunit-punit ‘yung peso bills bago mapasakamay nila nang tuluyan.

‘Wag na rin kayong magulat kung hindi nagbabayad ng overtime ang nasabing security agency.

Talagang ganyan daw katigas ang sikmura ng may-ari na kinilala lang sa tawag na police ret. Kernel Del Rosario.

At dahil ex-pulis ang amo, para namang mayores ‘yung dalawang bisor na sina Guanzon at Joey na ang trabaho daw ay manindak ng matatandang sekyu.

Ay sus!

Parang galing ‘ata sa penology at penitentiary itong si  Del Rosario at mga bisor na sina Gaunzon at Joey?

Tsk tsk tsk …

Hoy Mr. Del Rosario, ayusin mo naman ang mga obligasyon mo sa mga tao mo!

Paging Labor Secretary Rosalinda Baldoz!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *