IT was 7:00 in the evening last October 18 (Saturday) when our colleague, veteran photojournalist JULIE FABROA of Manila Standard Today and presently one of the two stringer of GMA 7 assigned at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) was rushed to San Juan De Dios Hospital along Roxas Boulevard in Pasay City.
Matindi ang atake (aneurysm) na tumama kay Ka Julie na naging dahilan ng kanyang hindi ina-asahang pagkamatay.
Sa pahayag ng ilang kaibigan natin sa NAIA T-1, hawak at binabasa ni Ka Julie ang Summary Investigation Report na nilagdaan nina Major Melchor Delos Santos, manager of Intelligence and Investigation Division; retired Senior Supt. Donardo Torres, manager of Intelligence & ID/Pass Control Department at retired Gen. Vicente Guerzon, Jr., OIC, Office of the Asst. General Manager for Security and Emergency Services nang biglang ma-stroke at mag-collapse sa tanggapan ng Airport Police Department -Falcon Base, Departure Area ng NAIA Terminal 1.
Ang nasabing kaso ni Julie ay iniharap ni Airport Police Cpl. RAMOS dahil sa paglabag sa anti-vending law sa paglalako umano ng mga sim/cell load/cards sa arrival area.
Ang matindi rito, ang nasabing Airport police ay siya rin nagsagawa ng imbestigasyon at nagpataw noon ng one-week suspension kay Ka Julie.
Siya rin ang gumawa ng nasabing summary report na ayon kay Ka Julie ay hindi man lang siya isinailalim sa patas na imbestigasyon o due process.
O kaya ay mayroon man lang kumuha ng kanyang panig. Ang naging resulta nito, suspensiyon na lamang ng kanyang access pass sa airport) ang kanyang nahawakan.
Sana’y binigyan ng pagkakataon ng mga awtoridad na makuha ang panig ni Ka Julie bago inilabas ang Summary Investigation Report.
Dahil sa ginawa ng mga awtoridad ay isang buhay ang biglang nawala. Maraming buhay ang nagdurusa at naapektohan ngayon.
For your information Cpl. Ramos, S/Supt. Torres, Major Melchora ‘este’ Melchor Delos Santos at Gen. Guerzon, si Ka Julie sa edad na 61-anyos ay nagtataglay ng maseselang karamdaman at may colostomy bag na nakakabit pa sa kaniyang tagiliran.
Nag-iisang breadwinner din si Ka Julie ng kaniyang mga anak at mga apo.
Kung kayo kaya ang kamag-anak ni Ka Julie, ano kaya ang mararamdaman ninyo ngayon?
(May kasunod bukas)