Monday , November 18 2024

Biyaheng Florida… seguridad ng pasahero ang nauuna

00 aksyon almarUNDAS, tapos na ha. Oo tapos na nga… nakauwi rin ako at pinuntahan ang puntod ng aking mahal na tatay sa Tuguegarao, Cagayan. Naging masaya naman ang pag-uwi hindi lang dahil sa nagkita-kita kaming magkakapatid bagamat may mga hindi nakauwi dahil alangan ang petsa ngayon ng Undas, kundi nagkita rin uli kami ni mommy at kuya ko maging ang kanyang pamilya lalo na ang baby niyang si Caleb.

Pero ang sandaling kasiyahan ay nabahiran ng kaunting pagsubok. Pagsubok na batid namin magkakapatid na makakayanan namin dahil nandyan naman Siya na mag-aalalay sa namin.

Opo matapos kaming dumalaw sa puntod ni Daddy, kinabukasan ay dumating ang pagsubok. Inatake (mild stroke) si Mommy pero kami’y nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi inatake nang grabe si Mommy sa halip ay ipinaramdam sa kanya agad ng Diyos ang pwedeng mangyari kaya si Mommy ang humiling agad na dalhin siya ospital ngunit hindi pa namin batid na atake na pala ang nangyari.

Hayun, nang tingnan siya ng doktor ay hindi na siya pinauwi dahil nga sa sobrang hilong-hilo daw si Mommy pero normal naman ang kanyang BP (120/80). Nakompirmang mild stroke ang nangyari sa pamamagitan ng CT scan.

Nakalulungkot man, iniwanan ko muna si mommy sa hospital at si kuya at ang kanyang anak na si Moses ang magbabantay muna kay Mommy, umuwi muna ako rito sa Maynila para ihatid naman ang dalawa kong anak dahil may pasok.

Heto matapos na isulat ang pitak na ito ay tatakbo na ako sa terminal para alagaan si mommy at magbantay sa ospital.

Siyempre dalangin namin kay Lord ang mabilis na paggaling ni Mommy na nasa edad 75 anyos na. Siya ay magsi-76 sa December 31. Bukod sa kanyang paggaling dalangin namin na bigyan pa siya ng Poong Kapal ng mahabang buhay.

Mommy get well soon. We believe that God won’t forsake you or us. Salamat din sa mga kaibigan na kasamang nananalangin sa mabilis na paggaling ni Mommy.

***

Naalala ko nga pala bago kami umuwing Tuguegarao nagulat at nag-alala ang ilang kaibigan dahil sa Florida bus daw ang aming sasakyan pauwing probinsiya. Sabi ko naman wala naman masama kung Florida ang sasakyan namin. At kasabay ng pagsabing aksidente ang nangyari noon at walang may kagustuhan.

Hayun, safe naman kaming dumating sa Tuguegarao at pabalik ng Kyusi. Praise and thank God for our safety trip. Maayos naman ang biyahe at maingat sa pagmamaneho ang dalawang driver. Katunayan, noon pa man ay Florida bus na ang aming sinasakyang pauwing probinsiya sa tuwing Pasko at Bagong Taon. Safe na safe naman.

Pero sa biyaheng ito, may isang malaking pagbabago na dapat siguro noon pa ginawa ng Florida na dapat siguro ay pamarisan ng mga bus companies din para sa seguridad ng mga pasahero.

Oo, dahil sa nangryaring aksidente sa Benguet noon ng Florida na dahilan din ng pangsamantalang pagsara ng kompanya matapos suspendihin ang kanilang prangkisa, sa kalagitnaan ng biyahe ay inobliga na ng Florida management ang kanilang mga driver na idaan sa check-up maintenance ang dala nilang bus para sa seguridad ng mga pasahero.

Katulad na lamag ng pag-uwi namin nitong Undas. Pagdating sa Aritao, Nueva Vizcaya, lahat ng bus ng Floridad ay kailangan dumaan sa check-up. Ginagawa nila ito sa bus stop over nila sa Aritao. Dati rati wala pong ganito na puwede naman pala gawin.

Yes, sana ay hindi na hinintay pa ng pamunuan ng Florida ang nangyaring aksidente sa Benguet noon. Yes puwede naman pala… dapat noon pa nila ginawa ito.

Ano pa man, mabuti naman at naging prayoridad na ng Florida ang seguridad ng kanilang mga pasahero.

Sa pamunuan ng LTFRB, marahil ay dapat siguro na inyong ipaobliga sa lahat ng bus company ang ginagawa ng Florida ngayon. Oo ‘wag nang hintayin pang may masasamang trahedyang mangyari sa highway bago umaksyon. Gayahin ang ginagawa ng Florida ngayon na isinasailalim pa rin sa kalagitnaan ng paglalakbay ang mga bus para sa isang mapayapang biyahe.

***

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *