Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (Ika-25 labas)

00 demoniño

WALA NAG NAGAWA SI EDNA KUNDI HARAPIN ANG ‘DEMONYO’ SA TULONG NG BERTUD NG PANYONG PUTI

Nasasakal man ng panyong puti na pilit hinihila sa kanyang leeg ng yaya ng batang lalaking ampon ay nagawa rin ni Edna na bigkasin ang mga salitang Latin na na-kaburda sa panyong puti.

“Aaahhh!” ang palahaw na sigaw ni Fatima, nanginig ang buong katawan at nagti-rik ng mga mata na nabuwal sa pangingi-say.

Nawalan ng malay sa tabi ni Edna ang yaya-kasambahay. May ilang segundo rin itong nanatili sa gayong sitwasyon. Katatayo-tayo pa lamang niya mula sa pagbangon ay naroon na agad si Manang.

“A-ano’ng nangyari sa pamangkin ko?” anitong hintakutan sa nakitang kalagayan ni Fatima.

“H-hindi ko po alam kung… k-kung bakit siya nagkaganyan…” ang naikatuwiran ng dalagang guro.

Pamaya-maya ay nagmulat ng mga mata si Fatima. Nagbangon ito na parang walang ano mang nangyari. “Nakatulog ba ako?” ang nasabi nito sa pag-uunat ng mga braso.

Hindi na nakuha pa ni Edna na sagutin ang tanong ng yaya-kasambahay dahil kitang-kita niya ang pagsanib sa katauhan ni Manang ng isang impakto — dilat na dilat na mga mata, kalbo, bukol-bukol ang mukha, matutulis ang mga ngipin na tulad sa isdang piranha, mahahaba ang matutulis na kuko, mabalahibo ang buong katawan at may may mahabang buntot.

Hinawakan ang dalagang guro sa mag-kabilang balikat ni Manang at saka isinal-ya. Kagila-gilalas ang lakas nito. Galabog siyang bumalandra sa dingding. Sa pagkakalugmok niya sa baldosang sahig ay naka-lapit agad at saka sinunggaban ang panyong nakatali sa kanyang leeg. Biniyabit siya sa ere ng isang kamay lamang nito. Pahigpit nang pahigpit ang pagsakal niyon sa kanya. Pahigpit nang pahigpit iyon kaya’t unti-unting nauupos ang kanyang lakas at halos panawan tuloy siya ng diwa.

Nagpilit si Edna na mabigkas ang mga salitang Latin na nakasulat sa panyo. Kagyat namang nagkabisa ang bertud niyon laban sa impaktong kampon ng diyablo. Nanghina si Manang. Nagmistula itong nauupos na kandila na dahan-dahang napaluhod at saka padapang bumagsak sa sahig. Sina-mantala niya ang pagkakataon para makalag sa sariling leeg ang panyo at maipangsilo iyon sa leeg ng kusinera.

“Ngaaark!” ang mahabang ungol ni Manang na umaaringkin, tila napapaso ang buong katawan sa panyong puti. (Sundan)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …