Wednesday , December 25 2024

Buhay na buhay na naman si Lito ‘Bulaklak’ Atienza

OY! Buhay ka na naman.

Akala natin ‘e tuluyan nang itinikom ni Velarde ‘este Buhay party-list congressman Lito Atienza ang kanyan bibig.

Kamakailan ay panay ang ingay at humihirit na pagdebatehan ang 2016 national budget at sa isang media forum ay muntik pa silang magkapikonan ni overseas Filipino workers (OFW) party-list Rep. Roy Señeres.

Hindi talaga pwede na walang issue sa bansa na hindi n’ya sasakyan gaya nang pumutok ‘yung isyu tungkol sa Instagram post ng bunsong anak ni Vice President Jejomar Binay na inilarawan ang isang lugar sa Batangas na, “In our place …”

Hindi kasi ito nakalusot sa matatalas na pang –amoy ni Sen. Allan Peter Cayetano maging ang Instagran ng bunsong anak ni VP Binay kaya ito ay naihayag sa TV.

Para kay Senator Cayetano, isa itong ebidensiya kaugnay ng iniimbestigahang tagong yaman ng mga Binay at ang kontrobersiyal na pinag-uusapan ngayon na Hacienda Binay sa Rosario Batangas.

Pero ang ipinagpupuputok daw ng betlog ‘este butse ni Atienza ‘e iyong kinaladkad daw maging ang bunsong anak ni VP Binay na walang kinalaman sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee?!

Ganito lang po ang masasabi natin dito, toddler, teenager o nasa legal na edad man ang anak ni VP Binay, ang sustansiya ng pinag-uusapan ay ‘yung esensiya at sustansiya ng sinasabing “Our place in Batangas …”

Paano ito masasabi ng batang Binay sa kanyang Instagram kung hindi niya nakamulatan o ipinaintindi sa kanya na iyon ay sa kanila o pag-aari nila?!

Sinungaling o nagyayabang lang ba ang batang Binay?!

Wala rin itong ipinag-iba sa mga anak ni Napoles na nagbuyangyang ng kanilang katakot-takot na yaman sa Facebook.

Kaya nga nalaman ng sambayanang Filipino ang lavish lifestyle ng anak ni Janet Napoles!

Sabi nga, pwedeng mambola ang isang bata pero hindi niya kakayanin nang matagal ang pambobola kung nagsisinungaling siya.

Kanya-kanyang buhay-buhay lang ‘yan Cong. Lito Atienza …pero higit sa lahat, katotohanan lang ang magpapalaya sa mga kababayan mo, lalo ng mga Manileño …

Ano sa palagay ninyo mga suki!?

Airport Police Officer Alday mas gustong maging ‘parking boy kaysa pulis!?

ISANG Airport police officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 4 na kinilalang isang alyas ALDAY ang inireklamo ng mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa pakikialam sa parking slot na ibinibigay sa kanila.

Wala umanong ginawa itong si Alday kundi bantayan ang parking space na nakatalaga sa mga government employees sa NAIA T4.

In short, binabakuran ni Alday ang parking area dahil ayaw ipagamit sa kanila.

Bakeeet?! Anong dahilan!?

Si Airport Police Alday ba ang may-ari ng parking area sa NAIA T4?!

Imbes ang sitahin ni Alday ay mga yellow taxi at iba pang sasakyan at mga illegal solicitors ng mga pasahero ‘e ‘yung parking slot ng mga em-pleyado ang pinag-iinitan.

Ang sabi ng ilang airport police, pinagkikitaan kasi ang parking slot na ‘yan para sa mga sumasalubong o sumusundo sa NAIA T4?!

Airport Police chief, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo Sir, mukhang may bago ka na namang ‘lilinisin.’

Pakibusisi na nga po ‘yang pinaggagawa ni ALBAY ‘este ALDAY sa NAIA T4. O baka naman gusto n’ya na maging parking boy na lang imbes airport police!?

Salamat po, Gen. Descanzo!

MIAA AGM-SES office ‘nagamit’ sa human trafficking

‘GARAPALAN’ na ang labanan kapag pera-pera talaga ang usapan lalo na sa pagpapalusot ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na tuluyan nang nabunyag nitong nakaraang Sabado (Oktubre 25).

Mantakin ninyo, sino nga naman ang magdududa na ang mga ‘trusted people’ sa opisina ng MIAA Assistant General Manager for Security & Emergency Services (AGM-SES) ang siya pa umanong ‘promotor’ ng escort service o human trafficking.

Ang binansagang “Three Bad Eggs” ay binubuo nina Ms. ANNALY SORIANO (secretary umano sa AGM-SES),Airport Police na isang ALVIN BORERO at ang beteranang empleyada na kinilalang si JOYCE ‘sexy’ VELUNTA ay sinasabing nagtangkang ipuslit palabas ng bansa ang apat na Filipino tourist workers.

Ang apat na pasahero na tinangkang ipuslit sa Immigration ay ‘tatalon’ sana papuntang Lebanon.

Alam ba ninyo kung nakalusot papuntang bansang Lebanon ang apat nating kababayan, open sila sa lahat ng dangerous elements tulad ng maltreatment, abuses at titiisin ang very poor working condition doon.

Nasakote ng mga alertong tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA T-1 ang garapalang operasyon nina Annaly, ang nagsilbing ‘escort’ ng 4 na pasahero.

Si Borero naman umano ang nasa likod ng request ng OB (Official Business) pass sa AGM-SES para umano sa PCSO at si Joyce, ang umano’y contact person naman ng human trafficking syndicate!?

Akala kasi nila everyday happy ang “livelihood” nila!?

Nabuko ang illegal activities ng “Three Bad Eggs” nang lakas-loob idaan ni Soriano ang apat na prospective victims wearing OB pass without mission order sa Arrival Area Immigration Zone.

Mabuti na lang at matalas ang pang-amoy ni BI Travel Control Enforcement Unit (TCEU) member IO PAUL ERIC BORJA at napansin niya agad ang kakaibang kilos at galaw ng apat na pasahero na escorted ni Soriano.

Nang makita raw ni IO Borja ang pagdaan ni Soriano, kasama ang apat na kababaihang naka-OB Pass ay kinutuban siya agad. Kasi raw, kahit damitan ng magandang kasuotan ang apat na kasama ni ‘bitbit Queen’ Soriano ay ‘di mukhang karapat-dapat sa OB (official business) pass sa loob ng airport.

Doon na sinimulan sundan ni IO Borja sina Soriano hanggang umakyat sa hagdan patungong Departure area at laking gulat niya nang makita na WALA nang suot na OB pass ang apat na pasahero.

Lalo tuloy lumakas ang kutob niya na ang apat ay tourist worker kaya nag-request agad siya ng back-up sa kanyang mga kasamahan sa TCEU saka sinita at inimbitahan ang apat na pasahero sa kanilang opisina.

Sa pagkakataong iyon, biglang kumalas si Soriano. Kaya ang apat prospected victims na lang ang nadala sa opisina ng BI-TCEU.

Doon ikinanta ‘este’ inamin agad ng apat na nakatakda umano silang sumakay ng Etihad Airways patungong Lebanon via Abu Dhabi dakong 12:00 ng madaling araw nitong nakaraang Sabado.

Walang kagatol-gatol na inamin nila na ang instruksiyon sa kanila ay ilulusot sila patungong Departure Area hanggang sa Passenger Waiting Area gamit ang OB pass.

Pagkakuha ng kanilang passports, boarding pass at iba pang travel documents ay ibabalik ang ginamit na OB pass at ang transaksiyon ay gagawin sa ladies comfort room.

Inamin din ng apat na biktima, na siningil sila nina Annaly et al ng P150,000.00 per head basta’t sila na ang bahalang mag-check-in sa airline, magpatatak ng kanilang Immigration departure stamp at magbayad ng airport travel tax at terminal fees.

Sonabagan!!!

Alam na alam ng “tatlong bad eggs” na TOTAL BAN ang OFWs deployment sa Lebanon pero dahil sa malaking pera ay nagawa nilang tangkain na magpalusot ng mga pobreng kababayan natin.

E ‘di Bet-sa by golly wow sila ngayon! Masyado ‘atang nagmamadali sa pagyaman si Soriano!?

Sa palagay natin, hanggang ngayon ay umuusok ang ilong sa galit ni AGM-SES ret. Gen. Vi-cente Guerzon dahil mismong ang opisina niya ay nagagamit pala sa human trafficking!?

In short, nabulag si General!?

No wonder, maraming nahuhuling mga access pass (peke daw?) gamit sa human smuggling sa tatlong NAIA terminal!

Kasuhan at sibakin na agad ‘yang mga tulisan na ‘yan Gen. Guerzon para makabawi ka naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *