Monday , November 18 2024

Immigration officers/employees sa DMIA matindi ang demoralisasyon sa kanilang opisyal!?

HINDI na maintindihan ng mga Immigration officers and other employees sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga kung paano pa nila gagawin nang tama ang kanilang mga trabaho.

Matindi na raw ang kawalan ng ganang magtrabaho o motibasyon ang nararanasan ngayon ng Immigration officers and employees sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).

In short, talagang DEMORALISADO sila. Kung dati ay lagi silang excited sa pagpasok sa kanilang trabaho, ngayon  ‘e parang tinatamad na sila.

Kasi kahit gampanan nila nang tama ang kanilang tungkulin ay mayroon isang opisyal na alias ‘KABAYO’ umano na grabe mang-BULLY at mang-HARASS.

Lalo na kung exclusion ng pasaherong hinihinala nilang tourist/worker ang lakad sa labas ng bansa.

Kapag ini-exclude nila ang isang pasahero, nagugulat sila dahil biglang sinasalo at pinupunit pa raw ang exclusion order ng isang opisyal na alias “KABAYO” sa BI-DMIA.

Walang pwedeng kumontra sa kaastigan ni alyas Kabayo.

Dahil kapag kumontra ang isang pangkaraniwang Immigration officer, siguradong may kalalagyan sila.

Lahat ng mga kumukuwestiyon sa kanya ay binu-bully sa pamamagitan ng report na ginagawa at ipinadadala sa Immigration main office.

Tsk tsk tsk …

Mukhang hindi kayang ‘kalusin’ ng mga Immigration bossing ang kaastigan at pambu-bully ni alyas Kabayo?

Hindi rin sila (IOs) agad makapagdesisyon sa ilang insidente kasi nga kung pumasok ‘yung dalawang opisyal, tatlo hanggang apat (3-4) oras lang. Tapos hindi pa raw  naka-uniporme at naka-civilian clothes lang.

Ipinananakot pa umano ni alyas Kabayo ang isang “Madame M”  na kapag may nakalabas na impormasyon kung ano ang tunay na nangyayari sa Clark (DMIA) ay ipatatapon sa mga border crossing.

Kaya kahit hirap na hirap na kay alyas Kabayo ang mga taga-BI-DMIA ‘e tipong wala silang magawa.

Hindi sila makapagsumbong sa takot na ‘sipain’ sila ni alyas Kabayo.

‘Yung iba playing safe na lang sila lagi, kaya kapag pinunit ni alyas Kabayo ang  exclusion order na inirerekomenda nila para sa isang pasahero ‘e wala na silang magawa.

Kaysa nga naman mapag-initan sila e mas mabuti pang manahimik na lang sila.

Ang nangyayari tuloy ayaw na nila magdesisyon. Kasi kapag nag-refer sila ng tao tiyak bubulyawan at sasabihin na “bahala kayo magdesisyon!”

Pero kapag nagkamali naman, ire-report niya.

‘E humihingi nga ng tulong sa kanya tapos bigla niyang ire-report?!

What the fact!?

Ito pa ang matindi, kahit walang flight bawal kumain, bawal mag-rest, bawal umalis sa counter, bawal pumunta sa officers lounge.

Kapag may exclusion, sasabihan ang Immigration officers na ‘wag na ituloy at punitin na lang kasi ire-recall din naman daw ‘yun. Kilala niya kasi kung ‘kanino galing’ ang mga pasahero.

Gusto na nga raw magpalipat o magpa-recall ng ilang IOs sa BI-DMIA kasi hindi na nila masikmura ang palakad ni alyas Kabayo.

Dagdag pasanin pa umano nila ang ginagawang pagkiling sa confidential agent (CA) na si alyas ‘KASTOY” na dating bata raw ni Capulong at ng kanyang Bulong Queen na si Pining-er.

Alam kaya ni DMIA Immigration asst. Head Ms. Maan de Pedro,ang mga nangyayaring ito sa kanyang teritoryo?

Immigration Commissioner Fred Mison, Sir, mukhang ginagamit ni alyas Kabayo ang ipinagkatiwala sa kanyang kapangyarihan ng Civil Service Commission (CSC) para sa kanyang sariling raket at kapakanan.

Pakibusisi na lang po!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *