Friday , November 22 2024

Bati na raw sina PNoy at VP Binay, tumibay pa…

00 pulis joeyMATAPOS upakan nang todo nitong Martes ng gabi sa isang okasyon sa Manila Hotel, bati na raw ngayon sina Pangulong Noynoy Aquino at Bise Presidente Jojo Binay.

Lalo pa nga raw tumibay ang kanilang pagkakaibigan. Ganun?

Pinagloloko na lang yata nila tayong mga naghalal sa kanila…

Anyway, maganda na rin ‘yan at nagkabati ang dalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa. Dahil maraming problema sa ating gobyerno na dapat nilang ayusin. Tulad ng problema sa port congestion na nakakaapekto nang malaki sa ating ekonomiya, grabeng trapik, MRT, lomolobong istambay at pabahay ng mga biktima ng kalamidad sa Visayas at Mindanao.

Pero teka, baka naman malusaw na ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sa katiwaliang kinasasangkutan ng mga Binay? Bilyong piso, taxpayers money ng mga taga-Makati City, ang isyu rito. Dapat maliwanagan ang mga taga-Makati kung saan napupunta ang binabayad nilang buwis. Kung paano naging P2.7B ang 11-storey na Makati Parking Building? Kung paano naging sobrang overpriced ang mga gamit ng Ospital ng Makati at kung paano kumamal ng umano’y sobra-sobrang yaman ang mga Binay.

Ito lang naman ang kailangang ipaliwanag ni VP Binay para mabalik ang tiwala sa kanya ng taong bayan at mahalal siyang pangulo sa 2016.

Ang kaso, ayaw nya raw talaga humarap sa Senate inquiry kahit ano ang mangyari. Siya raw ang Bise Presidente ng Pilipinas. Kaya hindi siya mabibitbit sa Senado. Ganun?

Well, talagang hindi nga siya mapipilit kasi may immunity siya sa mga kaso habang nasa puwesto siya. Pero maari siyang ma-impeach…

Kaya kabado siyang maimbestigahan ng Department of Justice. Dahil maaaring magamit sa impeachment ang mga ebidensyang makakalap ng DoJ.

Pero ngayong ‘peace’ na raw sila ni PNoy, baka nga hindi na siya maimbestigahan ng DoJ. ‘Yun lang!

Subaybayan…

 

Huwes sa Toledo City, Cebu

tinutulugan ang kaso…

-Sir gud pm. Report ko ang Huwes dyan sa Toledo City, Cebu. Kasi yung kaso ng pinsan ko, si Sarah, di parin madesisyonan. Kumpleto ang ebidensya na. 2009 pa pinatay si Manoy Garito wala parin justice. Binayaran kasi yung batas na butas. – 09269816…

In fairness sa Huwes, ang nagpapatagal sa kaso, ang mga abogado ng both parties. Marami kasing technicalities sa batas na dahilan ng pagre-reset ng mga case hearing. At dahil kulang ang Judge at tambak ang kasong nakapila sa kanyang sala, tumatagal ang desisyon. Tingin ko ay aabutin ng sampung taon o higit pa bago madesisyonan ang kasong may kaugnayan sa pagpatay.

 

Talamak ang shabu sa Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan

– Report ko lang po para sa kaalaman ng kapulisan ng Balagtas PNP at mga opisyal ng barangay dito sa Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan, ang talamak na pagtutulak ng shabu dito sa Purok 7. Tila nagbubulag-bulagan lang ang aming Chief of Police na si Major Voltaire Rivera at mga barangay officials sa pangunguna ni Chairman Raul Marcelino sa pagsugpo at paglaban sa ipinagbabawal na droga. Akin pong iparatng din kay Mayor Romeo Castro na pagtuunan ng pansin at ipatupad ang anti-drugs campaign sa inyong area of responsibility lalong lalo na po dito sa aming lugar. Sana malipol na ang mga tulak dito. – Concerned citizen

 

Hinaing ng prison guard

sa Bilibid

– Sir Joey, ako po ay prison guard sa Bureau of Correction. Kalampagin po namin ang amin director na si ret. General Bucayo at si DoJ Sec. Leila de Lima. Sana po pirmahan nyo na IRR namin sa modernazation. Wag nyo na hintayin po na mapanis kami kakahintay na i-implement yun at sana bigyan nyo kami ng pansin. Salamat po. Wag nyo nalang ilabas ag numero ko. – BuCor guard

 

Panawagan sa MMDA

sa Quezon City

– Sir Joey, nais sana naming iparating sa MMDA na sana ipagbawal nila ang pagtawid ng mga tao dito sa stop light ng Banawe, Quezon Avenue, Quezon City. Nakakaabala po sa aming mga motorista o sa mga sasakyan. Mayroon namang overpass na halos isang hakbang lang sa sobrang lapit, pero dito parin sila tumatawid sa stop light na nakaaabala sa aming mga motorista. Sana sa pamamagitan ninyo ay makarating sa kinauukulan ang reklamo naming ito. Maraming salamat po. God bless and more power. – 09355315…

Paging MMDA Chairman Francis Tolentino, paki-check ng mungkahing ito ng motorista.

 

Mga mandurukot

at snatchers

sa Guadalupe

– Sir Joey, may concern lang ako regarding sa mga mandurukot ng celfone at wallet doon sa sakayan ng jeep sa Guadalupe papuntang Market Market, Taguig City. Isa po ako sa nabiktima ng mga walanghiyang mga mandurukot na yan. Isa po akong sales promo. Kadalasan kagaya ko ang mga nabibiktima dyan. May mga nahahablutan din. Sana masugpo ang mga ito. – 09993421…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *