Friday , November 22 2024

Batuhan ng putik

00 joy to the world ligayaI know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” — Jeremiah 29:11

BATUHAN nang batuhan ng putik ang mga politiko, puro kasiraan sa politika ang natutunghayan sa media.

Bakit hindi na lamang pagtuunan ng pansin ang problema ng mamamayan ukol sa usapin ng aberya ng MRT? Pagtataaas ng bilihin, kriminalidad at iba pa.

Hindi ang ambisyong maging Pangulo sa 2016!

MAHIRAP ang buhay ngayon mga kabarangay, kulang na kulang ang oportunidad, kailangan lumikha ng maraming trabaho o negosyo ang gobyerno dahil sa lumalaking populasyon ng ating bansa (na umaabot na sa 100 milyon).

Kailangan ang pagtutulungan ng bawa’t sektor—pribado at gobyerno upang mapunan ang pangunahing problema ng bansa ang kahirapan.

Hindi kalutasan ang lahat nang ito sa bangayan ng mga politikong pulpol!

ANG SURPRISE INSPECTION NI SR.SUPT. ROLANDO NANA, BOW!

MAGANDA ang unang araw ni Sr. Supt. Rolando Nana bilang bagong Director ng Manila Police District (MPD).

Nag-ikot agad ang opisyal sa mga presinto at police community precints sa Lungsod upang makita ang tunay na kalagayan ng kanyang mga tauhan sa estasyon. Ganyan din ang ginawa ng kanyang predecessor na si General Rolando Asuncion ng unang manungkulan sa MPD noong Marso.

At nakita niya ang mga barubal na pulis sa loob ng presinto!

***

DANGAN lamang sa pag-iikot ni Sr. Supt. Nana kamakalawa ay mukhang nakatunog na agad ang kanyang mga pulis sa mga presinto.

Wala siyang nakitang natutulog, walang naninigarilyo, walang mga boteng alak na nasita sa loob ng estasyon, kaya walang negatibong napansin si Sr. Supt. Nana sa kanyang sinasabing surprise inspection.

Buti na lang walang nagsabing wala rin pulis! Ehek!

***

PERO tama ang sinabi ni Sr. Supt. Nana, kailangan ang police presence o police visibility upang masugpo ang krimen lalo na sa hatinggabi.

Sa ganitong paraan ay mabilis ang responde o pagsaklolo sa mamamayan. Nakita agad natin ang pag-aksyon ni Sr. Supt. Nana dahil ang magkaroon ng pulis sa lansangan ay malaking kapanatagan sa kalooban na maglakad sa gabi.

Harinawa’y magtagumpay si Sr. Supt. Nana sa kanyang misyon! Good luck!

CRIME RATE SA METRO, BUMABA?!

SAMANTALA, bumaba na raw ang krimen sa Metro Manila. Aba, good news ‘yan mga kabarangay para sa atin!

Base ito sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni Chief Supt. Carmelo Valmoria.

***

MULA raw kasi sa 659 crime incidents ay bahagyang bumaba sa 634 cases noong Setyembre.

Iniulat din ni General Valmoria na bumaba ang insidente ng robbery, pero wala siyang ibinigay na estadistika tungkol dito. Sa totoo lang ang robbery at holdup ang karaniwang nagaganap na krimen sa mga lansangan sa Kamaynilaan.

Susme, sana naman maging makatotohanan ang ulat!

***

PERO umaasa naman tayo sa pagpapalit ng mga bagong District Directors ay magkakaroon ng epektibong pagbabago sa kalagayan ng peace and order sa Metro Manila.

Dahil sa pagpasok ng “ber’ months ay inaasahan na darami rin ang magsasamantalang kriminal na mambibiktima sa mga kawawa nating shoppers na karaniwan dumaragsa sa night markets at mall sale.

Kaya sIla ang dapat antabayanan!

CLEARING OPERATION SA QUIRICADA-RIZAL AVENUE, OKS NA OKS!

ABA, mga kabarangay malinis na pala ang lugar ng Quricada at Rizal Avenue, inalis na ang lahat ng obstructions sa kalsada.

Matagal na itong ipinararating sa atin reklamo, at mabuti naman at naaksyonan agad ito ng tanggapan ng Office of the Vice Mayor at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Clearing operation agad-agad!

***

NOON kasi ang daming nakahambalang na medical equipment na sinakop na pati kalsada, mga basura, mga kalakal at iba pa na nakasasagabal sa trapiko.

Pero ngayon mga kabarangay, malinis na ang dating marumi at masikip na kalsada ng Quiricada, ngayon ay kaaya-aya na itong tingnan at daanan. Ganyan, imbes magbangayan, kumilos tayo mga kabarangay!

Sa ganitong paraan ay aasenso tayong mga Manileño!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *