Thursday , November 14 2024

Biding-bidingan ang mga proyekto sa probinsya

00 pulis joeyISA sa mga nagpabagsak sa ‘trust ratings’ ni Vice President Jojo Binay sa latest survey ng Pulse Asia ay ang nabuking na ‘lutong macao’ o biding-bidingan sa mga proyekto sa Makati City partikukar sa Makati Parking Building at Ospital ng Makati.

Sa totoo lang, ang biding bidingan sa mga proyekto sa local governments ay talagang napaka-talamak laluna sa mga malalayong lalawigan o probinsiya.

Oo, halos lahat ng proyekto ng gobernador, kongresista at mayor ay dumaan sa biding-bidingan. Kung minsan nga ay sila na mismo nagsa-sub contract!

Sa mga probinsiya, ang mga proyekto ay kadalasan sub standard ang pagkagawa. Pag minalas-malas pa ay wala talagang nagawang project na kung tawagin natin ay ‘ghost project’.

Pero ang lahat ng ito ay nakalulusot sa auditor ng Commission on Audit (CoA). Bakit? Lagay!

Kaya dapat kapag kinasuhan ang isang LGU sa katiwalian, isama sa demanda ang auditor ng CoA na naka-assign dito.

Tulad ng ginawa nina Atty Bondal ng United Makati Against Corruption, isinama nila ang CoA officer sa Makati City sa mga kinasuhan ng Plunder sa Ombudsman kaugnay ng maanomalyang pagkakagawa sa 11-storey P2.7-B Makati Parking Building na kinasasangkutan nina VP Binay, kanyang anak na si Mayor Junjun at mga konsehal ng naturang lungsod.

Kailan kaya madedesisyunan ng Ombudsman ang kasong ito? Abangan natin…

Txt txt txt sa isyu kay Binay…

– Gud pm po. Ang lahat ng bumabatikos sa angkan ng Binay, sila po ba ay may nagawa na sa bayan? Ang mga Binay maraming nagawa. Oo, nga po over pricing ang Makati Parking Building, kahit po paano ay may pinagawa, hindi binulsa. Eh si Mercado po may naipagawa na ba? At may naitulong po ba sa Makati? Sa dami ng natulungan ng mga Binay sa Makati, magsiyasat po muna bago satsat, e si Mercado sumusuweldong walang ginagawa. – 09275645…

– Gud am, Mr. Venancio. Para po ‘to sa mga Binay: Huwag na kayo umasa na mananalo pa kayo sa darating na eleksyon. Siguradong pupulutin kayo sa kangkungan patungong kulungan lahat. At doon naman sa mga matitinong politiko, ‘wag na kayo makiloko at maki-join sa UNA Party dahil baka matalo pa kayo lahat. Tingnan ninyo si Pacquiao, katakot-takot ang mga bumabatikos sa kanya. Ikaw VP Binay, ‘wag u na mabanggit ang Diyos sa mga ka… at mga pag… ninyo. Baka pag nakakulong na kayo ay magmura na kayo nang magmura katulad ni dating rapist Calauan Mayor Sanchez na pati si Mama Mary ay ginagamit sa kanyang kalokohan. – 09199436…

– Gud day, Sir Joey. Ask ko lang kung pagkatiwalaan pa ba si Binay na ubod ng sinungaling. Nakita na sya na nagpunta sa kanyang hacienda sa Rosario, Batangas pero sabi nya hallucination lang daw. – 09098768…

– Sir ako ho ay isang ordinaryong mamamayan. Dapat ayusin ng mga senador ang problema ng bayan, hindi puro si Binay. -Doming Inigo, 09325326…

– Kaya nila sinisiraan si Binay kasi alam nila mananalo si Binay sa 2016. Kaya lahat ng paninira ginagawa para manalo yung manok nila. Binay parin kami dito sa Makati. – 09076391…

 

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *