Saturday , November 23 2024

Nangunguna pa rin sa bayan!

00 aksyon almar

BUMAGSAK daw – ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa 24 percent ang approval rating ni Interior Sec. Mar Roxas. Totoo ba ang tsimis na ito?

Well, iyan ay according to PA survey nga po na kanilang isinagawa naman daw nitong setyembre 8 hanggang 15.

Magkagayonman, sa kabila ng lahat ay nananatali pa rin NUMBER ONE si Vice President Jojo Binay sa taumbayan pagdating sa approval at trust ratings.

Yes, Binay pa rin ang numero uno sa puso ng nakararaming Pinoy makaraang magtala pa rin ng 66 percent approval rating.

Katunayan ay masasabing pinakain pa nga ng alikabok ni Binay si Pangulong Noynoy Aquino dahil mas mataas pa siya (Binay) ng 11 percentage points, habang 64 percent naman ang trust rating ng Vice President.

Ibig sabihin nito, malaki pa rin ang tiwala ng maraming Filipino kay Binay kahit na winawasak na siya.

‘Ika nga e, kung totoong kailangan pang ipa-embargo ang sadsad raw na approval rating ni Roxas, double black-eye iyan para sa administrasyon dahil malinaw na walang kapana-panalo ang manok nila sa 2016 presidential derby.

Paano kasi, kahit na anong pagwasak ang ginagawa kay Binay ay wala rin epekto ito. Nananatili pa rin ang tiwala ng matatalinong Pilipino kay Binay at hindi nagpapadala sa kung ano-anong paggiba kay Binay sa Senate Blue-Ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel.

Kunsabagay, matalino rin naman si Koko kaya, alam ng nakararami na hindi naman siguro lingid kay Koko na masama ang ginagawang pagkokompara sa kanya kay Sen. Grace Poe, na bilang chair ng Senate Committee on Public Order.

Sabi nga ay napaka-smooth o nakapa-statewoman ni Poe sa ginawang pag-handle sa kanyang komite, sa ginagawa niyang imbestigasyon sa mga akusasyon laban kay PNP chief Alan Purisima.

Isang hearing lang kay Poe, oks na at agad niyang idineklara na may sapat na silang datos para makalikha ng batas kaugnay ng modernisasyon ng PNP, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi trabaho ng Senado ang manghusga kung inosente o guilty ang isang tao. Iyan ang Senadora, hindi na kailangan pang mag-grandstanding.

Pero sa sub–committee ng Blue Ribbon, hayun sandamakmak na hearings na ang naisagawa nila at ayon sa kampo ng Binay o maging sa kanilang abogado na mangilang beses nang napaulat, halatang-halata raw nang na-prejudged na nila (sub-committee) na guilty ang mga Binay.

Teka, totoo naman kaya itong alinngasngas na paaabutin pa raw hanggang Enero ang hearings para sa pagwasak este, mali pala kundi pag-imbestiga at pagbubunyag daw ng kung ano-ano laban kay VP Binay? Nagtatanong lang po.

Ano man ang plano ng sub-committee, iginagalang natin ito.

Ngunit, sa kabila ng lahat ay marami tuloy ang humahanga kay VP Binay. Oo kasi hindi siya tulad ng ilang politicians na pikon.

Hayun si Binay, relax lang siya at batid ng nakararami ang nasa likod ng lahat ng tirada sa kanya.

Kaya kahit na anong banat ang gawin laban sa susunod na pangulo (kung ngayon na gagawin ang halalan) bumaba man nang bahagya ang kanyang ratings, ang No. 1 ay No. 1 pa rin. Hindi si Binay ang nagsasabing No. 1 siya kundi ang taong bayan base sa survey ng PA.

Bukod dito, lalo pa rin humahanga ang marami kay Binay kasi, nakapokus pa rin siya sa kanyang ipinangakong trabaho o pagsisilbihan ang mga tao bilang isang VP.

Yes tama ang lang desisyon ni Binay na hindi nagpapadala sa banat at sa halip tuloy ang trabaho na siyang hinahangaan sa kanya ng masa.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *