Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle, ‘di nailang makipaghalikan kay Matteo

00 Isabelle Daza  matteo

ni Roldan Castro

HINDI nailang si Isabelle Daza sa halikan nila ni Matteo Guidicelli sa  Somebody To Love na showing  na ngayon. Magbarkada pala ang dalawa.

“Matteo and Iza (Calzado) have actually been my friends for quite a time. Lalo na si Matteo, even before we both joined showbiz pa. We have the same circle of friends,” aniya.

Friends with benefits ang pagsasalarawan ni Isabelle sa relasyon nila ni Matteo sa pelikulangSomebody To Love.

Tinanong namin  kung may double date na bang naganap sa kanila? Si Matteo with Sarah Geronimo, siya naman sa boyfriend niyang si Adrien Semblat. Nakatrabaho na rin kasi ni Sarah si Isabelle sa It Takes a Man and Woman. Hindi  pa raw nagkaroon ng oras na magtagpo-tagpo ang mga schedule nila.

Kapansin-pansin din na iisa ang dialogue nila ni Sarah. Sa huling movie ng Popstar with Coco Martin ay sinabi niya ang, ”There was never an us.” Ito rin ang linya ni Isabelle kay Matteo saSomebody To Love.

Wala siyang idea sa pamosong linyang ‘yun dahil  hindi raw niya napanood ang Maybe This Time.

Samantala, mariin ding sinabi ni Matteo na hindi nagselos si Sarah sa kissing scene nila ni Isabelle. Naiintindihan daw ‘yun ng kanyang girlfriend.

Si Isabelle naman ay wala pa ring planong magpakasal sa kanyang boyfriend.

Kamakailan ay nag-judge si Adrien sa Super  Sireyna ng Eat Bulaga. After ng guesting niya ay marami ang nakakilala sa kanya sa labas at bumabati. Sabi raw  ni Adrien kay Isabelle, ”Oh ‘Eat Bulaga’ pala is very known.”

Pero kaaliw ang kuwento sa amin ni Isabelle dahil hindi pala alam ng BF niya na magsasalita ito sa TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …