Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loveteam nina Beauty at Franco, minahal ng netizens

081614 Beauty Gonzales Franco Daza
ni Roldan Castro

NATAPOS na kahapon ang afternoon seryeng umakit sa puso ng mga manonood, ang Moon of Desire, kaya naman natuldukan na rin ang love story nina Tilda at Nolan, o mas kilala sa tawag na TiNola nina Beauty Gonzalez at Franco Daza.

Talaga namang naging matagumpay ang love team ng dalawa at masugid na tinangkilik, lalo na ng netizens, ang kanilang kuwela at mapanuksong mga kiligan.

Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat nina Franco at Beauty sa fans at kung bibigyan umano ng pagkakataon ay nais pa nilang ipagpatuloy ang kanilang team-up sa ibang proyekto sa telebisyon man o pelikula.

“Sana talaga maipagpatuloy ang love team namin. Bakit naman hindi ko gugustuhing makatrabaho uli si Beauty? She is an awesome person,” sabi ni Franco.

Nang tanungin kung ano ang mami-miss nila sa isa’t isa, tahasang sinagot ng pinakabagong Kapamilya hunk na “wala.

“Wala akong mami-miss kasi alam ko na walang magbabago sa pagkakaibigan at magpapatuloy pa rin ito kahit tapos na ang serye.”

Para naman sa bagong pantasya na si Beauty, “Mami-miss ko siyembre ‘yung madalas na biruan at kulitan namin ni Franco sa set.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …